Beliebers, hindi matanggap ang engagement ni Justin Bieber kay Hailey Baldwin

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2018

Hindi matanggap ng karamihan sa fans ni Justin Bieber, 24, ang balitang engaged na sila ng 21-year old model-television personality na si Hailey Baldwin, anak ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.

Naganap ang proposal ni Justin kay Hailey sa isang Bahamas resort noong Sabado ng gabi, July 7.

Hindi stranger sa isa’t isa ang dalawa, ayon sa report ng US entertainment website na TMZ, dahil dati na silang “nag-date.”

"Excited for the next chapter” ang reaksiyon ni Jeremy Bieber, ang ama ni Justin tungkol sa engagement ng kanyang anak.

Sari-sari at nakakatawa ang reaksiyon ng Beliebers, ang tawag sa fans ni Justin, sa balita tungkol sa engagement ng dalawa.

May mga nagpahayag ng kalungkutan kaya ipagluluksa nila ang nangyari.

Marami ang nakisimpatiya kay Selena Gomez, ang ex-girlfriend ni Justin.

Hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa ang hula ng bitter fans.

Marami ang nagkainteres na kilalanin si Hailey, at alamin ang mga ganap sa buhay niya.

Continue reading below ↓

Isang jealous fan ni Justin na may pangalang Hannah Langevin ang naglabas sa Twitter ng sama ng loob tungkol sa engagement na nangyari.

Marami ang nag-like, nag-share, at pinusuan ang emotional reaction ni Langevin na:

“Justin Bieber is engaged to Hailey Baldwin and I have never been so sad in my entire life... did she know every word to every song? did she go to his concert by herself? did she buy all purple clothes because he said it was his favorite color? did she even watch never say never..”

Hindi nagpahuli ang Pinoy fans ni Justin dahil ikinalungkot din nila ang balita, pero masaya raw sila para sa kanilang iniidolo na singer.

“Mare, alagaan mo siya” ang bilin nila kay Hailey.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Justin Bieber
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results