Trailer ng Unli Life ni Vhong Navarro, pinalakpakan; Liza Dino, namigay ng face mask sheets sa press

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2018

Sa walong official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018, ang Unli Life, ang comedy movie ng Regal Entertainment Inc. ang mainit na tinanggap ng entertainment press at ng invited guests dahil natawa sila at pinalakpakan nila ang trailer ng pelikula na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.


Nanghihinayang ang direktor na si Chito Roño dahil hindi nakadalo si Vhong sa formal announcement ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga pelikula na kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa isang hotel sa Quezon City ngayong Lunes, July 9.

Continue reading below ↓

Si Roño ang business manager ni Vhong at ayon sa kanya, hindi pinayagan ang aktor na umalis sa studio ng It’s Showtime para makasaglit sa FDCP event dahil absent si Vice Ganda.

Kung nakita ni Vhong ang reaksiyon ng mga bisita sa trailer ng Unli Life, tiyak na matutuwa siya.

Ang Bakwit Boys, Ang Babaeng Allergic sa WIFI, Madilim ang Gabi, Pinay Beauty, Signal Rock, The Day After Valentine’s, at We Will Not Die Tonight ang pito sa eight official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.

Dalawang pelikula ni Jason Paul Laxamana ang kasali sa film festival na magsisimula sa August 15—ang The Day After Valentine’s ng Viva Films na tinatampukan nina Bela Padilla at JC Santos, at ang Bakwit Boys ng T-Rex Entertainment.

Mga bida sa Bakwit Boys ang mga baguhang aktor na sina Ryle Santiago, Vance Larena, Nikko Natividad, at Mackie Empuerto.

Continue reading below ↓

Sidelights: Namataan ng Cabinet Files sa PPP launch ang controversial FDCP member na si Rina Navarro, pero nagmamadali itong umalis.

Isang indikasyon na umiwas siya sa entertainment press dahil tinuldukan na niya ang mainit na isyu tungkol sa feud nila ni Ara Mina.

Four days ago, binatikos si FDCP Chair Liza Diño-Seguerra dahil sa face mask sheet na suot nito habang may meeting sila ng kanyang staff sa opisina niya.

“Multitasking while discussing the last agenda of the day. Si Jo Andrew, hindi makatingin.hehehe,” ang caption ni Diño sa kanyang social media post na binigyan ng ibang kahulugan at malisya.

Nang makatanggap siya ng mga batikos, ipinagtanggol ni Diño ang sarili.

"This was a staged photo posted on my PERSONAL page. Dear, you might want to check first before making assumptions," ang "brilliant justification" ni Diño.

Pero hindi nagpaawat ang isang commenter na ipinaalaala sa kanya na, "Hello, Ms. Diño. You were working. You were goofing off. You posted it Publicly. You are head of the FDCP. You work for us, the People. There are those of us not impressed by this particular stunt. These thoughts are based on the photos and captions."

Continue reading below ↓

Interesting na malaman ang magiging reaksiyon ng bashers at haters ng FDCP Chair kapag nakarating sa kanila ang balitang may kalakip na mga beauty face mask sheet (tulad ng ginamit ni Diño sa controversial social media post nito) ang mga press kit na ipamigay sa entertainment writers na dumalo sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 launch.


Continue reading below ↓

Puwedeng isipin ng mga tao na may malisyosong pag-iisip na nananadya talaga si Diño o posibleng maraming stocks ng face mask na made in South Korea ang FDCP office.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results