Thailand cave rescue: 12 batang soccer players na nailigtas, imbitado sa World Cup final

by Jojo Gabinete
Jul 10, 2018

Tapos na ang daring at risky rescue mission ng Thai Navy SEALS at ng mga expert diver dahil nailigtas na nila ang coach at ang huling batch ng mga batang miyembro ng Wild Boars soccer team na nakulong sa Tham Luang cave ng Chiang Rai, Thailand mula pa noong June 23, 2018.


Continue reading below ↓

Tinutukan ng buong mundo ang real-life drama kaya jubilant ang lahat ng sumusubaybay sa journey to safety ng mga trapped victim.

Under observation sa Chiangrai Prachanukroh Hospital ang mga bata dahil nais ng mga doktor na makatiyak na hindi sila nagkaroon ng mga impeksyon sa katawan na resulta ng matagal na pananatili sa loob ng kuweba.

Itinuturing na mga bayani ang mga miyembro at coach ng Wild Boars soccer team kaya imbitado sila ni Gianni Infantino sa World Cup Final na magaganap sa Linggo, July 15, sa Moscow, Russia.

Si Infantino ang presidente ng FIFA (Federation Internationale de Football Association).

Ipinarating ni Infantino ang imbitasyon sa mga bata sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya sa Thai Football Association.

"If, as we all hope, they are reunited with their families in the coming days and their health allows them to travel, FIFA would be delighted to invite them to attend the 2018 World Cup final as our guests.

Continue reading below ↓

"I sincerely hope that they will be able to join us at the final, which will undoubtedly be a wonderful moment of communion and celebration," bahagi ng sulat ni Infantino.

Nagpapagaling pa sa ospital ang mga survivor kaya hindi pa sigurado kung mapauunlakan nila ang imbitasyon ni Infantino.

Ipinareserba na para sa nakaligtas na trapped victims ang front row seats ng Luzhniki Stadium, ang venue ng World Cup Final sa July 15.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results