Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kinilala dahil sa kontribusyon nito sa HIV/AIDS awareness

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2018

Isang malaking karangalan para sa cast ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ang plaque of appreciation na ipinagkaloob sa kanila ng Philippine Catholic HIV-AIDS Network ng Diocese of Antipolo.

Kinilala ng Ministry on Social and Human Development at ng Commission on Health Care ng Diocese of Antipolo ang suporta at paglahok ng mga artista ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa Walk the Talk, HIV and AIDS Awareness campaign na ginanap sa Marikina Sports Center noong Linggo, July 8.

Pinahahalagahan ng Diocese of Antipolo ang kontribusyon ng advocaserye ng Kapuso Network para magkaroon ng sapat na kaalaman ang manonood tungkol sa plight ng mga HIV/AIDS victim.

Kabilang si Yasmien Kurdi sa cast member ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na lumahok sa Walk the Talk.

Lubos ang pasasalamat ni Yasmien sa Diocese of Antipolo dahil sa plaque of appreciation na tinanggap niya nang personal, kasama ang mga co-star na sina Jackie Rice at Martin del Rosario.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results