Ronnie Liang sa viral nude photos daw niya: "Insulto po sa akin yun. Mas maganda ang sa akin."

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2018

"Insulto po sa akin yun. Mas maganda ang sa akin."

In jest ang initial reaction ng singer na si Ronnie Liang sa alleged nude pictures niya na kumakalat sa internet na ipinadala sa kanya ng mga nagmamalasakit na fans.


Seriously speaking, pinabulaanan ni Ronnie na siya ang nasa nude pictures na pilit na ibinibintang sa kanya, kahit flattering ang mga komento na pareho sila ng katawan ng mystery guy.

Continue reading below ↓


"May mga nagpadala sa akin ng kopya ng pictures at nagtatanong kung ako talaga yun.

"Though nung nakita ko ang litrato, medyo hawig ko nga yung guy at halos pareho kami ng katawan, kaya nag-insist sila na ako siya.

"Pero I swear, hindi ako yun.

"Hindi po ako ganoon kababa at kadesperado para mag-selfie na kita ang private parts," ang sagot at paliwanag ni Ronnie.

Continue reading below ↓

Hindi raw siya apektado ng isyung ibinibintang sa kanya dahil walang katotohanan, pero pinili niyang magsalita para hindi na mag-alala ang pamilya at supporters niya at para mahinto ang mga haka-hakang walang matibay na basehan.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Ronnie Liang
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results