Baeby Baste, na-confine sa ospital dahil sa dengue

by Jojo Gabinete
Jul 11, 2018

Dasal para sa mabilis na paggaling ng child actor na si Baeby Baste ang hiling ng mga nagmamahal sa kanya.

Ilang araw nang hindi napapanood sa Eat Bulaga! si Baste dahil dinapuan siya ng dengue kaya na-confine siya sa ospital.


Bago nagkasakit, nakapag-taping pa si Baste para sa mga eksena nila ni Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko.

Hindi lamang si Baste ang absent sa Eat Bulaga! dahil wala rin si Alden Richards.

Lumipad si Alden sa Japan para sa taping ng Victor Magtanggol, ang prime time drama/action/telefantasya na plano ng GMA-7 na ipalabas sa susunod na buwan.

Pero kahit nasa Japan ay nangungumusta si Alden sa kalagayan ni Baste.

Morning call from Kuya @aldenrichards02 kay nangumusta�?��?

A post shared by Baste (@iambaebybaste) on

PACQUIAO VS MATTHYSSE. Meanwhile, mainit ang pagtanggap ng mga Malaysian kay Senator Manny Pacquiao nang dumating ito sa Kuala Lumpur kahapon, July 10, para sa Fight of Champions, ang July 15 boxing fight nila ng Argentine boxer na si Lucas Matthysse.

Continue reading below ↓

Live na mapapanood sa GMA-7 at sa ibang mga television network sa Pilipinas ang laban nina Pacquiao at Matthysse sa darating na Linggo sa Axiata Arena para sa World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Naganap ngayong hapon, July 11, sa Kuala Lumpur ang open workout ni Manny at ng kanyang personal trainer na si Buboy Fernandez.

Kinumpirma naman ng Malacañang Palace na personal na panonoorin ni President Rodrigo Duterte ang Fight of Champions bago siya makipagpulong kay Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, eat bulaga
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results