Macho dancer, payag isoli ang mga ibinigay sa kanya ng gay benefactor kapalit ng...

by Jojo Gabinete
Jul 12, 2018

Pinag-uusapan ngayon ang video ng controversial episode ng Raffy Tulfo in Action ng TV5 tungkol sa gay benefactor na binabawi ang mga alahas na ibinigay niya sa kanyang ex-lover na nagtatrabaho bilang dancer sa isang gay bar.


Raffy Tulfo (left) with complainant Gerardo Gamuroy

Bumili rin ng kotse ang dalawa noong maayos pa ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Pero nagdesisyon si Gerardo Gamuroy (gay benefactor) na hindi na bawiin ang sasakyan mula kay Jhon Bryan Dumag (macho dancer) dahil nagbigay ito ng share na P50,000.


Inilapit ni Gamuroy sa popular public service program ni Raffy Tulfo ang kanyang problema tungkol kay Dumag, na inakusahan niya ng panloloko dahil hindi naging tapat sa kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Ito raw ang dahilan kaya nakipaghiwalay siya at nais bawiin ang mga naibigay na alahas.

Nangatuwiran at nagmatigas si Dumag na hindi niya ninakaw at hindi ibabalik ang mga alahas na kusang-loob daw ibinigay ni Gamuroy.

Nang itanong ni Tulfo kay Dumag ang dapat gawin ni Gamuroy para ibalik nito ang mga alahas, sumagot siya ng “Ibalik po niya ang time ko.”

Natawa ang hard-hitting broadcast journalist at public service program host.

Hindi natapos sa programa ni Tulfo ang pag-uusap nina Gamuroy at Dumag dahil sinamahan ng staff ng Raffy Tulfo in Action ang complainant sa bahay ng respondent sa Cavite para magkausap nang personal ang dalawa.

Dito naganap ang kanilang confrontation scene na ikinawindang ng listeners at viewers.

Sa harap ni Gamuroy at ng camera ng Raffy Tulfo in Action, wagas na ipinagtapat ni Dumag ang masakit na katotohanang hindi niya minahal ang complainant.

Giit ni Dumag, "Hindi naman talaga [naging tayo] dahil customer kita.

Continue reading below ↓

"Hindi naman kita mahal, kailangan kitang pakisamahan para madala kita sa bar."

Hindi naman makapaniwalang reaksyon ni Gamuroy, "Hindi tayo? Nag-celebrate tayo ng monthsary, nag-celebrate tayo ng anniversary, kasama ang family mo, hindi tayo?"

Ipinaalaala rin niya kay Dumag ang kanilang relasyon na tumagal ng 16 months.

Habang nag-uusap, nagkainitan ang dalawa, dinuro-duro at muntik nang suntukin ni Dumag si Gamuroy.

Para maayos na ang problema, tinanong ng female staff member ng Raffy Tulfo in Action ang gustong mangyari ni Gamuroy.

Sabi ni Gamuroy, "Ganito na lang, Ma’am, hatiin na lang po namin ang investment, ibibigay ko sa kanya ang kotse, ibalik niya sa akin ang yung mga alahas ko, tapos na po ang usapan."

Pero mas mabigat ang kundisyon ni Dumag.

Sabi nito, "Papayag po ako na kunin niya ang lahat ito, ibalik mo yung tam*d ko. Kaya mo? Ibibigay ko lahat."

Mahinahong sagot ni Gamuroy, "Okey, sige. Ipapa-inject ko sa iyo yung tam*d na hinahanap mo, basta ko-computin ko lahat ng mga kinuha mo sa akin!"

Continue reading below ↓

Postscript: Dahil sa maseselang eksena at mga salita, Rated R-18 ng Raffy Tulfo in Action ang video ng panayam kina Gamuroy at Dumag.

Walang nagawa si Dumag dahil ibinalik din niya ang mga alahas sa umiiyak na si Gamuroy, na yumakap at pinasalamatan pa siya.

Tuwang-tuwang nagpasalamat kay Raffy Tulfo ang waging-wagi na si Gamuroy dahil sa kanyang tagumpay.

Hindi isolated ang kaso nina Gamuroy at Damurog dahil sa showbiz, may mga aktor na may mga gay benefactor na nagbawian din ng mga gamit nang matapos ang kanilang relasyon.

Pero walang naganap na eskandalo dahil sa takot na maapektuhan ang career nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results