Cristine Reyes, kinabog sa paseksihan ang co-stars niya sa pictorial ng Abay Babes

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2018

Si Cristine Reyes ang standout sa sexy pictorial para sa official poster at publicity photos ng Abay Babes, ang drama comedy movie ng Viva Films na pinagbibidahan nila nina Roxanne Barcelo, Kylie Verzosa, Meg Imperial, at Nathalie Hart.

Nathalie Hart, Cristine Reyes, Kylie Verzosa, and Roxanne Barcelo

Nagpasalamat si Cristine sa mga pumupuri at nagsasabing parang dalaga pa rin siya dahil sa kanyang well-toned body.

Continue reading below ↓

Ang regular na pagpunta sa gym ang sinabi ni Cristine na sikreto ng kanyang magandang pangangatawan nang makausap siya ng Cabinet Files sa story conference ng Maria, ang hardcore action movie na pagbibidahan niya at planong ipalabas sa mga international film festival.

Si Pedring Lopez ang direktor ng Maria at siya ang nagkuwento na interesado ang foreign film buyers na bilhin ang pelikula, kahit trailer pa lang ang napanood nila.

Sabi niya, "AAPL is a Canadian distribution company that’s been trying to convince us to sign us, pero what we want kasi, i-premiere muna, baka mas marami pa ang mag-bid.

"Neon and Goldfish in Hong Kong also want to acquire it. We’re also talking with a company in China."

Naniniwala si Lopez na ang mga action movie na mga babae ang bida, tulad ng BuyBust na tinatampukan ni Anne Curtis, ang susunod na trend sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"Kung ganyan na ang lumalabas, especially with BuyBust coming up, I think yun ang trajectory ng action films sa Pilipinas, so at least we’re there.

"Hopefully, if Maria becomes successful, yung Part 2, meron na," dagdag na pahayag ni Lopez.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results