Jennylyn Mercado, may pinapulot sa basurahan para patunayang hindi siya buntis

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2018

Ang kumakalat na tsismis na buntis siya, ang itinanong kay Jennylyn Mercado ng executive producer ng The Cure nang mag-report siya sa taping ngayong Biyernes, July 13.

“Pang-ilang tsika na ba ‘yan?” ang patanong na sagot ni Jennylyn sa mga nakausap niya na entertainment writers na interesado na malaman ang katotohanan.


Continue reading below ↓

“Kasi parang sampung beses na akong nabuntis pero isa pa lang yung anak ko.

“Saka imposible talaga, maniwala kayo. Maniwala kayo…” ang sabi ni Jennylyn, kasunod ang pabiro na pakiusap sa kanyang kasama na, “Ate Rose, pakilabas yung katatanggal ko lang sa basurahan,” na nangangahulugan na may monthly period siya habang kausap ang entertainment press na bumisita sa set ng The Cure.

“Hindi talaga…Paano nangyari? Si Miss Winnie [Reyes, executive producer ng The Cure] ang nagsabi sa akin kanina.

“Sabi ko, anong nangyayari? Bakit may ganoon? Saan nanggaling. Hindi ko talaga alam…

“Pero siyempre… Uulitin ko ba yung..? Hindi na. Dapat sa tamang paraan na. Saka mukha ba akong buntis?” ang nagtataka na muling tanong ni Jennylyn.

“Di bale, darating din yung tamang panahon. Kasi, uulitin ko ba yung pagkakamali noon? Hindi naman pagkakamali…hindi naman siya pagkakamali.

Continue reading below ↓

“Ayoko lang ng ganoong paraan uli. Kasi si Jazz, blessing naman yun. Happy ako na dumating si Jazz sa buhay ko,” ang kapani-paniwala na sabi ni Jennylyn na nagtuldok sa tsismis na buntis siya sa magiging panganay sana nila ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results