Aliw na aliw si Kylie Padilla sa tawag sa kanya ng anak na si Alas

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2018

Ang pagkakaroon ng postpartum, ang happiness na nararamdaman niya sa piling ni Aljur Abrenica at ng kanilang anak na si Alas ang ilan sa mga ikinuwento ni Kylie Padilla nang bisitahin siya kahapon ng entertainment writers sa set ng The Cure sa malayo at liblib na lugar ng San Jose del Monte Bulacan.


Continue reading below ↓

Kasama ni Kylie sa set ng The Cure si Alas na nasanay nang maraming tao sa paligid at agaw-pansin kapag nakasakay sa stroller niya dahil sa kanyang cuteness at nakasisilaw na kaputian.

Mula nang maging mainstay si Kylie ng primetime program ng GMA-7, dalawang beses lamang niya na iniwan sa bahay nila si Alas dahil nahihirapan siya kapag hindi kasama ang anak.

“Noong first two days, hindi ko siya kasama. Yung postpartum, medyo hindi maganda ang effect sa akin. Unang-una, masakit sa dede. May anxiety ako kaya isinama ko na siya,” ang kuwento ni Kylie na aliw na aliw nang sabihin na “Dede” ang tawag sa kanya ni Alas at Papa naman kay Aljur.

“Hindi siya mahirap alagaan. Kahit saan, natutulog. Hindi ko kasi sinanay. Okey kami basta kasama ko siya.

“Kapag kailangan ko mag-breastfeed, hahayaan nila ako. Aalis muna ako sa set para mag-breastfeed,” ang sabi ni Kylie tungkol sa pagiging mabait na bata ng anak niya.

Continue reading below ↓

Nang isilang ni Kylie si Alas, anim na buwan na walang yaya ang bata kaya siya ang nag-aasikaso sa lahat pero walang pinagsisisihan ang aktres.

“Gusto ko talagang maranasan kahit sobrang stressful noon, ako lang, walang yaya.

“Para akong tanga.Naglo-laundry ako, umiiyak ako kasi may mga gagawin pa ako. Kailangan kong paliguan, kailangan ko pang kumain, hindi pa ako kumakain, gutom na gutom na ako pero masaya ako. In-enjoy ko,” ang natatawang kuwento ni Kylie tungkol sa mga karanasan niya bilang first-time mother.

Ipagdiriwang ni Alas ang 1st birthday sa August 4. Wala sa plano ni Kylie na magkaroon ng big birthday celebration ang anak nila ni Aljur dahil mas gusto niyang bumiyahe sila sa ibang bansa. Si Aljur ang nagsabi kay Kylie na importante na ipagdiwang ang 1st at 7th birthday ng bata.

“Una nga ayoko. Gusto ko sana, mag-travel na lang kami abroad pero si AJ [Aljur] ang nagsabi na importante yung one at seven [birthdays].”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results