Korean vlogger/actress Pancake Hong, muntik nang ma-kidnap ten years ago

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2018

Apat na taong nagtrabaho sa South Korea bilang television entertainment reporter ang vlogger na si Hong Su-Bin a.k.a. Pancake Hong, pero pinili niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa kagustuhan niyang siya ang maging tulay para lalong makilala ng kanyang mga kababayan ang ating bansa at ang magandang pag-uugali ng mga Pilipino.


Continue reading below ↓

Fluent si Pancake sa pagsasalita ng Filipino language dahil eleven years old siya nang unang manirahan sa Pilipinas.

Bumalik si Pancake sa South Korea nang matapos niya ang kanyang college course sa University of the East.

Habang nagtatrabaho bilang entertainment reporter sa isang popular cable channel sa South Korea, tumindi ang hangarin ni Pancake na maging instrumento para lalong gumanda ang relasyon ng mga Pilipino at ng mga Koreano, sa kabila ng traumatic experience niya ten years ago.

Ang kanyang self-titled YouTube channel, Facebook account na pancakehong at Instagram account na onulharu33 ang balak ni Pancake na gamitin para ipaalam sa mga kababayan niya sa Korea ang magaganda at hindi malilimutang karanasan sa kanyang matagal na panahong pamamalagi sa Pilipinas.

Si Pancake ang gumanap na Korean actress sa My Korean Jagiya, ang nagwakas na primetime television series ng GMA-7 na pinagbidahan ng kanyang fellow Korean na si Alexander Lee at ni Heart Evangelista.

Continue reading below ↓

Trivia: Ang Filipino tutor ni Hong Su-Bin noong 11 years old ito ang nagbigay sa kanya ng screen name niyang “Pancake.”

Sa halos dalawang dekadang paninirahan niya sa Pilipinas, hindi nakaranas si Pancake ng racial discrimination, pero muntik na raw siyang maging biktima ng kidnapping.

Nangyari ito noong estudyante pa siya ng University of the East, sampung taon na ang nakalilipas, nang sumakay siya ng taxi para makauwi sa bahay na tinitirhan nila ng kanyang ina sa Quezon City.

“The taxi driver asked for a big amount of money and if I cannot give it, he will bring me to his office and kidnap me.

“I told him, 'Sige, I will give you money. Just bring me to a place wherein I can get the money.'

“Nagpayag naman siya, I gave him the address—not the exact address, but it was a police station. “

Continue reading below ↓

“When we reached the address, he was shocked when he saw the policemen because I texted my mother that the taxi driver is about to kidnap me and I will meet her at the police station.

“It was a good thing he didn’t get my cellphone. I was able to send a text message to my mother.

“I told her to please be ready with the policemen because I will be arriving at the Police Station 10 of Quezon City.

“He was caught by the policemen and they took his drivers license,” pagbabalik-tanaw ni Pancake sa kanyang traumatic experience.

Sa kabila ng nangyaring iyon, hindi naman daw ito naging dahilan para mawala ang tiwala niya sa mga Pilipino.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results