Dyan Castillejo, umani ng batikos dahil sa pagtawag niyang "Your President" kay Pangulong Duterte

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2018

Malulutong na mga mura at batikos ang ipinupukol ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte sa ABS CBN sports reporter na si Dyan Castillejo.


Ito ay dahil tinawag ni Dyan na "Your president" ang Pangulo sa interview niya kay Senator Manny Pacquiao.

Nangyari ito ilang minuto matapos talunin ng Pambansang Kamao ang Argentine boxer na si Lucas Matthysse sa WBA Welterweight champion bout sa Axiata Arena, Kuala Lumpur, Malaysia, ngayong Linggo, July 15.

Continue reading below ↓

"What a great performance, Manny. I’m sure you wanna address your fans all over the world and your President sitting way up there,” sabi ni Dyan kay Pacquiao.

Sagot ni Pacquiao, "Mga Pilipino, maraming-maraming salamat, lalo na sa ating mahal na Pangulo.

"Filipino people, maraming-maraming salamat.

"We have a good President, Rodrigo Roa Duterte.

"Thank you, Mr. President, for being our president."

Hindi nagustuhan ng mga supporter ni President Duterte ang inasal ni Dyan kaya lantaran ang pagbatikos at wagas na pagmumura nila laban sa veteran sports reporter.


Continue reading below ↓



Continue reading below ↓

Kabilang ang broadcaster na si Jay Sonza at si Arnell Ignacio sa mga nagpahayag ng disappointment nila kay Dyan.

"Dyan Castellejo [sic] Are you even a Filipino? Who is the president of your country? Sumagot ka, p..ye..ka.

"If Dyan is not carrying or using a Filipino passport, I will grant her that 'Your President' address because she was doing an international broadcast (sa Tagalog, mapapalampas ko pa).

"But even then, as a broadcaster, the cardinal rule is head of states must be properly address [sic] with their position and name first, then you can proceed with [a] simple Mister (Mister Duterte ) or [a] Misis (Howard) as the case maybe,” ang sermon ni Sonza kay Dyan.

Continue reading below ↓

Nagkomento naman si Arnell ng: “Sa mga ganyang pambabastos, makikita mo, mabait pa rin talaga si PRRD e. Sa nakaraan, pinatrabaho na ‘yan.”

Dahil sa kanyang "Your president" address kay President Duterte, inakusahan si Dyan na "dilawan," kinukuyog ng bashers na galit na galit, at wagas ang pagmumura sa kanya sa social media accounts nito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results