Former Viva Hot Babe Jennifer Lee, balik-showbiz after ten-year absence

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2018

Dalawang Lee na walang relasyon sa isa’t isa ang nagbabalik-showbiz: ang Korean actor na si Alexander Lee at ang former Viva Hot Babes member na si Jennifer Lee.

Umuwi sa South Korea si Alexander nang matapos noong January 2018 ang My Korean Jagiya, ang primetime teleserye nila ni Heart Evangelista sa GMA-7.

Bumalik sa Pilipinas si Alexander para ipagpatuloy ang showbiz career niya dahil sa kanyang existing contract sa GMA Artist Center.

Si Alexander ang co-star ni Maine Mendoza sa bagong episode ng Daig Kayo ng Lola Ko at ipino-promote din niya ang kanyang bagong single, ang "Keep Ya Head Up," na collaboration nila ng Korean rapper na si Marucci.

Sampung taon namang nawala sa sirkulasyon si Jennifer Lee na tinupad ang pangako at ang pangarap ng kanyang mga magulang na makatapos siya ng pag-aaral.


Continue reading below ↓

Culinary Arts graduate si Jennifer sa Enderun Colleges pero hindi nawala ang passion niya sa pag-arte.

“Na-miss ko ang showbiz. Nakaka-miss siya.

“Sobrang iba yung buhay ko bilang estudyante. Iba yung routine, iba yung life.

“You have to wake up everyday early morning, you have to study late night.

“It was a big responsibility to go back to college and to prove also na you’re not just a pretty face.

“From showbiz life to an ordinary life, na-experience ko na buong araw ka na magluluto. It’s hot.

“Mahigpit ang mga professors namin, mga French chef.

“Kapag you fail, you fail talaga, no excuses.

“Kailangan talaga you study hard, you work hard for you to pass.

“Talagang sineryoso ko ‘yon,” kuwento ni Jennifer tungkol sa kanyang buhay estudyante.

Ang Maria, ang action movie na pagbibidahan ni Cristine Reyes, ang comeback project ni Jennifer na hahatiin ang oras niya sa showbiz at sa kanyang business, ang The Healthy Cheffy (www.thehealthycheffy.com), ang healthy food delivery service na specialty ang lahat ng klaseng diet food na siya mismo ang nagpaplano ng mga menu.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Alexander Lee, Maria
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results