Pilot telecast ng Kapag Nahati Ang Puso, advance birthday gift para kay Sunshine Cruz

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2018

Si Gil Tejada ang direktor ng Kapag Nahati ang Puso, ang television drama series na itatapat ng GMA-7 sa Sana Dalawa ang Puso ng ABS-CBN.

Nagpakatotoo si Tejada nang aminin nito ang kabang nararamdaman niya sa kabila ng pagiging seasoned television director, dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng project na pang-umaga ang timeslot.

“Medyo kabado ako pero ipinagpapasa-Diyos ko na lang.

“Kampante na ako ngayon dahil yung material ko, yung mga artista ko, magagaling, given the fact na napanood ko na yung first edit namin.

“May laban naman kami,” sabi ni Tejada na hinihingi ang suporta ng publiko para maging matagumpay ang television drama series na tinatampukan nina Sunshine Cruz, Bea Binene, Zoren Legaspi at Benjamin Alves na kalaban ng teleserye nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla sa Kapamilya network.

Postscript: Ang Kapag Nahati ang Puso ang comeback project ni Sunshine na unang lumabas sa GMA-7 bilang mainstay ng That’s Entertainment, ang hit variety show na sampung taonng namayagpag sa telebisyon.

Continue reading below ↓

Advance birthday gift kay Sunshine ang pilot telecast ng Kapag Nahati ang Puso sa July 16 dahil ipagdiriwang niya ang 41st birthday sa Miyerkules, July 18.


Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results