Kakai Bautista, inaming pera ang dahilan kaya pumayag makipagtrabaho kay Ahron Villena

by Jojo Gabinete
Jul 16, 2018

Pera ang deciding factor kaya kahit labag sa kalooban niya, tinanggap ni Kakai Bautista ang alok ng CineKo Productions na makapareha sa Harry & Patty ang kanyang "frenemy" na si Ahron Villena.


Hindi rin pinalampas ni Kakai ang pagkakataong maging bida sa unang pagkakataon sa pelikula, na magbubukas sa mga sinehan sa August 1, 2018.

Continue reading below ↓

Pahayag ng comedienne, "Pinost ko nga sa Instagram na maraming beses kong pinag-isipan bago umoo sa project na 'to kasi nga sobrang natatakot ako.

"Alam niyo naman, sikat na sikat ako sa mga pangba-bash and everything, lalo na kapag tungkol sa aming dalawa, so inisip ko talaga.

"Humingi talaga ako ng... 'Lord, ano ba?'

"Kailangan ko na mag-ipon ng pera kasi meron akong bibilhin. Ma-achieve ko rin yun in time, in God's perfect time.

"Naisip ko na, di bale na lang, kahit anong sabihin ng mga tao, carry na lang, igo-go ko na 'to."

Iginiit ni Kakai na magkabati na sila ni Ahron bago pa inumpisahan ang shooting ng Harry & Patty.

"Okey na kami noon ni Ahron, nagkikita na kami.

"Siyempre, tao ka lang naman, nasaktan ka na dati sa mga sinasabi ng iba, sa mga opinyon ng iba.

"Siyempre, hindi ka naman bato para hindi ka masaktan.

Continue reading below ↓

"Saka lahat naman ng artista, dumadaan sa mga ganoon.

"Naunahan ako ng fear ko, pero nung naisip ko, 'Ay, matutupad ang isang pangarap ko para sa pamilya ko,' o di go na.

"Mukha akong pera," ang justification ni Kakai sa pasya niyang makatrabaho si Ahron.

Matagal na hindi nag-usap sina Ahron at Kakai, na nagpalitan ng masasakit na salita sa social media.

Pero nagkasundo sila noong September 2017, tatlong buwan bago nila tinanggap ang alok ng CineKo Productions, kaya hindi gimmick ang kanilang pagtatambal sa Harry & Patty.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results