Maxine Medina, nagsalita na sa wakas tungkol sa breakup nila ni Marx Topacio

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2018

Ang US trip niya ang sinabing dahilan ni Maxine Medina kaya hindi siya nakapunta sa presscon ng Kusina Kings ng Star Cinema noong Sabado, July 14.


Kaya ang breakup nila ng kanyang ex-boyfriend na si Marx Topacio ang isa sa mga itinanong sa ex-beauty queen nang magpakita siya sa presscon ng Pinay Beauty, isa sa mga official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council of the Philippines, ngayong Martes, July 17.

Continue reading below ↓

Sabi ni Maxine, "Siguro po kasi masyado akong nawala ang focus ko kay God.

"So, parang ngayon, talagang nagpo-focus akong mag-pray sa career ko, sa family ko, kasi medyo na-let go ko sila.

"As much as possible, nagme-make time ako with my family.

"Hindi ko naman tinalikuran [ang love life]. Siyempre, open pa rin ako.

"Everyone needs love. I just really need to focus saka alam ko na ang priorities ko in life.

"Tumatanda na rin tayong lahat. Alam natin kung ano ang dapat gawin," ang sabi ni Maxine.


Continue reading below ↓

Noong maayos pa ang relasyon nila ni Maxine, nabanggit ni Marx sa isang television interview ang tungkol sa balak na pakasalan ang dating girlfriend sa susunod na taon, na hindi itinanggi ng former beauty queen

"Within one year, ang daming nagbabago and siyempre, siguro kailangan namin ng space to love our self first para ma-appreciate namin ang isa’t isa.

"Yeah, we’re friends, okey naman kami.

"Pero siyempre, sobrang busy ko ngayon, siya rin, sobrang busy niya, sobrang dami niyang ginagawa."

Biglang napainom ng tubig si Maxine nang unang beses na tanungin tungkol sa ugat ng paghihiwalay nila ni Marx, na karelasyon niya sa loob ng pitong taon.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, maxine medina
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results