Newbie actor Gab Lagman, inamin ang namumuong special friendship nila ni Sanya Lopez

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2018

Hindi pinabulaanan ng aspiring actor na si Gab Lagman ang namumuong special friendship nila ni Sanya Lopez.

Nagkakilala ang dalawa sa Mega Millennial Ball noong June 12, 2018.


Sa tulong ng kanyang kaibigang si David Licauco, si Gab ang gumawa ng paraang makilala si Sanya dahil nakuha nito ang atensiyon niya.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Gab tungkol sa budding friendship nila ni Sanya, "She was the most beautiful girl at that event that’s why napansin ko siya.

"Me and Sanya are good friends right now.

"Actually, I had an interview for Village People and they asked me who’s my celebrity crush, and it’s Sanya.

"I met her at Mega Ball ‘coz my friend David Licauco introduced me to her.

"We talked and we’ve hang out a couple of times.

"I visited her at her home and we’re good friends.

"We usually go running, jogging. We like to run together."

"Hopefully" ang sagot ni Gab nang itanong ng Cabinet Files kung may plano siyang ligawan ang Kapuso actress.

"Hindi ko pa alam kung puwede siya ligawan," sabi ni Gab.

Tanggap daw ni Gab na posibleng akusahan siya ng panggagamit o bigyan ng ibang kahulugan ang pakikipagkaibigan niya kay Sanya.

Continue reading below ↓

"That’s part of the showbiz industry. She knows naman na hindi naman ganoon ang intensiyon ko sa kanya," pahayag ng 22-year-old aspiring actor, na isinakripisyo ang nursing studies sa Las Vegas dahil sa pangarap niyang maging sikat na aktor sa Pilipinas.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results