Rapper John Roa at Direk Erik Matti, biktima ng pagnanakaw

by Jojo Gabinete
Jul 17, 2018

Dalawang showbiz personalities ang biktima ng theft sa magkasunod na araw—ang rapper/hip-hop artist na si John Roa at si Erik Matti, ang direktor ng BuyBust.

Nawala ang wallet ni Roa sa Kami ang ExB, ang 1st anniversary concert ng Ex Battalion sa Ynares Sports Arena, Pasig City, noong Sabado, July 14.


Continue reading below ↓

Special guest si Roa sa Kami ang ExB at iniwan niya sa backstage ang kanyang bag bago siya mag-perform.

Nang matapos ang song number niya, saka natuklasan ni Roa na nawawala ang kanyang wallet na naglalaman ng cash at ATM cards.

Walang CCTV sa backstage ng Ynares Sports Arena kaya hindi matutukoy ang kumuha sa wallet ni Roa, na malungkot na malungkot sa nangyari.

Para makauwi sa bahay nila, nanghiram si Roa ng pamasahe mula sa mga miyembro ng ExBattalion.

Isang eyewitness ang nagkuwentong nahirapan ang security personnel na kontrolin ang fans na nanood ng concert ng ExBattalion.

May mga umakyat sa stage para makipag-selfie sa mga miyembro ng Ex Battalion at hindi nagpatinag sa mga security guard na umaawat sa kanila.

"Masang-masa ang successful concert ng Ex Battalion dahil nakatsinelas ang ibang mga nanood.

"Parang barangay fiesta lang ang pinuntahan nila," kuwento ng Cabinet Files source.

Ang cell phone ng direktor na si Erik Matti ang nawala nang dumalo sila ni Anne Curtis sa New York Asian Film Festival noong Linggo, July 15, kunsaan ang BuyBust ang closing film.

Continue reading below ↓


Hindi mahahalatang naapektuhan nang husto si Matti sa pagkawala ng cell phone nito dahil sa mga papuri na natanggap niya para sa BuyBust.

"At least, our world premiere went well and CEB [Cinema Evaluation Board] rated us an A too,” ang pampalubag-loob na reaksiyon ni Matti tungkol sa cellphone niya na nawala sa New York.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results