Jacqueline Comes Home at Billionaire Boys Club, pinabu-boycott

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2018

Dalawang pelikula na base sa mga pangyayari sa tunay na buhay ang nagbukas ngayon sa mga sinehan at parehong binigyan ng R13 classification ng MTRCB.

Ito ay ang Filipino movie na Jacqueline Comes Home at ang Hollywood movie na Billionaire Boys Club.



Continue reading below ↓

Coincidentally, may kinalaman sa murder case ang kuwento ng mga pelikula.

Kapwa hindi na natagpuan ang bangkay ni Jacqueline Chiong, ang kidnap/rape victim sa movie directorial debut ni Ysabelle Peach; at ang labi ni Ron Levin, ang con artist na pinatay ng Billionaire Boys Club organizer na si Joe Hunt.


Continue reading below ↓

Ron Levin (left) and John Hunt (right)

Hanggang ngayon ay nagdurusa sa kulungan si Hunt, tulad ni Paco Larranaga, ang suspect sa 1997 abduction, rape, at murder ng Chiong sisters.


Chiong Sisters: Jaqueline (left) and Marijoy (right)

IS JACQUELINE ALIVE? Ang kaibahan lang, hindi nakakalabas ng kulungan si Hunt, samantalang nagtatrabaho si Paco bilang part-time chef sa isang Spanish restaurant.

Continue reading below ↓

Pero bumabalik si Paco sa kanyang selda sa Madrid Central Penitentiary sa Soto del Real, Madrid pagkatapos ng duty niya.

Filipino-Spanish ang dual citizenship ni Paco kaya nagawa ng pamilya niyang hingin ang tulong ng Spanish government para mailipat siya sa Madrid Central Penitentiary mula sa kanyang kulungan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Lumalabas si Paco mula sa kanyang selda para magtrabaho bilang chef dahil sa temporary license na ipinagkaloob sa kanya ng Prison Support Team.


Continue reading below ↓

Paco Larranaga

Sa 2015 article ng Philippine Daily Inquirer kay Margarita Larranaga, apo ni former President Sergio Osmena Jr., sinabi ng ina ni Paco na natutuwa siya dahil natupad ang pangarap ng kanyang anak na maging chef at pinapayagan itong lumabas mula sa kulungan at pumasok sa trabaho nang walang kasamang security escort.

Nagkaroon ng kontrobersiya ang Jacqueline Comes Home dahil sa panawagan na i-boycott ang pelikula nina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial na, diumano, walang katotohanan ang ilan sa mga eksena.

Instead, hinihikayat ng mga naniniwala na inosente si Paco sa krimen na ibinibintang laban sa kanya na panoorin ang Give Up Tomorrow, ang documentary film tungkol sa kaso niya dahil ito raw ang totoo.

Kumalat din sa social media ang alleged picture ni Jacqueline, ang impormasyong buhay na buhay siya at naninirahan sa ibang bansa para hindi madamay sa mga personal problem ng tatay niya.

Pero pinabulaanan ito ng kanyang ina na si Thelma Chiong.

Continue reading below ↓



Sa panayam ng Sunstar Cebu, pinaratangan ni Thelma ang kampo ni Larranaga na nagkakalat ng maling balita para malito ang publiko.

Sa interview ng Cebu Daily News, mariing itinanggi ni Thelma ang mga akusasyon na sangkot sa illegal drugs business ang kanyang asawa na si Dionisio Chong.

Dalawampung taong nagtrabaho si Dionisio sa heavy equipment company ng controversial businessman na si Peter Lim, na pinangalanan ni President Rodrigo Duterte bilang isa sa mga biggest drug dealer sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

BILLIONAIRE BOYS CLUB. May boycott controversy rin sa Billionaire Boys Club, na naunang ipinalabas sa Philippine cinemas kesa sa mga sinehan sa Amerika.

Hinihikayat ng mga supporter ng #MeToo at ng mga moralista sa Amerika na i-boycott ang pelikula nina Ansel Elgort at Taron Egerton dahil cast member ng Billionaire Boys Club si Kevin Spacey, na may patung-patong na kaso ng sexual assault sa mga menor de edad na kalalakihan.


Continue reading below ↓

Kevin Spacey

Matindi ang article na inilabas ng NBC News tungkol sa participation ni Spacey sa Billionaire Boys Club, na para sa kanila ay hindi nararapat na suportahan ng moviegoers:

"No one of decency should want to be professionally associated with a person accused of what Kevin Spacey is accused of doing to men and children, let alone enriching that sort of person.

"It does not matter how exceptional an actor he is or how far along a project is: It is not worth it.

"It is better to cut one’s losses rather than give any indication that it is okay to reward a person accused of being a serial sexual assaulter."

Kinukuwestiyon din ng NBC News ang desisyon ng mga producer ng pelikula na isama si Spacey sa trailer ng Billionaire Boys Club.

"Beside trying to recoup their investment in the project, it’s hard to ignore the possibility that producers were perhaps capitalizing off of the controversy surrounding Spacey’s fallen star.

Continue reading below ↓

"In the movie, he plays a con artist who is murdered by the titular club members after allegedly swindling them.

"If that is the case, it is cynical, it is tacky, it is vile."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results