Xian Lim, hindi tatalikuran ang showbiz kahit may basketball career na siya

by Jojo Gabinete
Jul 18, 2018

Ang septuagenarian residents ng San Lorenzo Ruiz Home for the Elderly sa Pasay City ang pinili ni Xian Lim na pasayahin at makasama sa kanyang 29th post birthday celebration noong Lunes, July 16.


For a change, si Xian ang inalayan ng entertainment ng ng mga lola at lolo na lubos ang pasasalamat sa panahong ibinigay niya.

Continue reading below ↓

May soft spot sa puso ni Xian ang mga matatanda dahil lumaki siya sa piling ng lolo at lola niya.

Sabi niya, "Ever since, ang home for the elderly ang pinipili ko because pinalaki ako ng aking lolo at lola.

"I grew up mostly with old people. I think it’s also a way for me to give back.

"Karamihan sa mga nakakasama ko, nasa 70 and above ang age.

"Uplifting na makita na with that small effort, meron kang napasasaya.

"It makes me more thankful, hindi lang siguro para sa akin.

"It’s also a message na gusto kong ibigay sa mga makakakita nitong mga ginagawa ko na darating po tayo sa age na where we’re not be able to take care of ourselves, so I think it’s our duty as kids at may lakas tayo to give it out.

"Itong cause na ito is more of sharing what you can para hindi tayo ma-trap sa idea na, 'Ano ang para sa akin?'

Continue reading below ↓

"This is the time, lalo na para sa akin, I’m celebrating my birthday, I just want it to be more of sharing, sharing our gifts, sharing our blessings, sharing our talents...

"Lahat ng puwede nating i-share, i-share natin."


Noong July 12 ang actual birthday ni Xian, pero walang naganap na big birthday party dahil tahimik at simple na pagdiriwang ang gusto niya.

Continue reading below ↓

"Hindi ako yung ma-celebrate at ma-party na tao.

"Marami akong group of friends, isa-isa kaming lumabas, maliliit na gathering sa isang restaurant, with my basketball team, with my family.

"My birthday wish, at this point, I just wanna give back.

"I just wanna show people na we have the strength to share, make other people happy, serve as an inspiration.

"Just be happy, do what you like," sagot ni Xian nang tanungin tungkol sa mga birthday wish niya.

Sa kabila ng mga showbiz commitment niya, may oras ang aktor para sa kanyang favorite sport—ang basketball.

Player na siya ng Mandaluyong El Tigre team ng Maharlika Pilipinas Basketball League.


Continue reading below ↓

Si Xian ang pinakamaaga sa story conference ng Ulan dahil dumating siya sa venue ng 10 a.m., kahit 11 a.m. ang meeting.

Mula sa story conference ng Ulan, dumiretso si Xian sa basketball practice ng Mandaluyong El Tigre, at pagkatapos nito ay tumuloy siya sa pictorial ng Miss Granny.

Pahayag ni Xian, "It’s very hard. People only see what they see on screen but it’s a very hard process.

"It’s been a long journey. Wala pa ako doon, I mean, I’m so far away from where I wanna be.

"I just wanna keep on working hard."

Kahit may basketball career na siya, walang-wala raw sa plano ni Xian na talikuran ang showbiz dahil ito ang nagpapasaya sa kanya at malapit na malapit sa puso niya.

Postscript: Kung hindi natupad ang pangarap ni Xian na maging artista, may posibilidad na psychologist siya ngayon dahil ito ang kanyang college course.

Continue reading below ↓

Masaya raw siya sa pakikapag-usap sa mga tao at gustung-gusto niyang makatulong sa pagtuturo ng wastong landas.

Lumitaw ang sense of humor ni Xian sa biro nitong mag-iimbita siya ng press sa kanyang mga basketball game, pero titiyakin niyang mahihina ang makakalaban ng team ng Mandaluyong El Tigre para sigurado ang panalo nila at makaiwas sila sa kahihiyan.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Xian Lim
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results