Forensic expert, binalikan ang mga pangyayari sa Chiong rape-murder case noong 1997

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2018

Ang pagsasapelikula sa kidnap/rape/murder story ng Chiong sisters at ang pagbubukas nito sa mga sinehan noong July 18 ang naging gatilyo para muling pag-usapan ang kaso at ng uploading sa YouTube ng Give Up Tomorrow.

Ang Give Up Tomorrow ay ang 2011 documentary movie tungkol kay Paco Larrañaga, ang prime suspect sa krimen na nangyari noong July 16, 1997.


Continue reading below ↓

Paco Larrañaga

At press time, may 671,000 views na ang Give Up Tomorrow mula nang i-upload ito sa YouTube noong July 17, isang araw bago ang theatrical exhibition ng Jacqueline Comes Home ng Viva Films.

Isang malaking sorpresa na nagkaroon ng interes ang mga kabataang panoorin ang Jacqueline Comes Home at ang Give Up Tomorrow dahil sa ingay na nilikha ng pelikula nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.

Nakadagdag sa lumalawak na kontrobersiya tungkol sa Jacqueline Comes Home ang mga tweeted statement ni Dra. Raquel Fortun, ang first Filipino woman forensic pathologist na kinonsulta noon ng kampo ni Larrañaga para suriin muli ang crime scene investigation at ang bangkay ni Marijoy.


Continue reading below ↓

Dr. Raquel Fortun

Narito ang ilan sa kanyang mga tweet tungkol sa Chiong case at sa pelikula:

“Ah yes that Cebu Chiong case. I was consulted by the defense, reviewed the csi and findings on the alleged victim's body. Oh I also autopsied the judge. My verdict: PH criminal justice system stinks."


Continue reading below ↓

"Cebu's Vizconde. One of my early laglag panga cases after arriving from training. Ganito talaga sa Pilipinas? No physical evidence just a star witness kuno pointing fingers? And the media circus was awful."

"Chiong case is coming back to me. How did they say body was gang-raped when it was recovered decomposing? Crime lab tech on gross exam of panty saw 'stains' he thought were semen. He touched them. As in. Positive daw sa Florence test. (Kapatid ng paraffin si Florence btw)"


Continue reading below ↓

"I remember the circus in Judge Ocampo's court. Defense fought to see the clothes. I particularly wanted to see if DNA exam was feasible on the panty. But the garments were mixed in plastic bags (NO-NO!). The panty was moldy with holes cut out. Got case file pics of that."

"So you had a movie made to tell your side and now all the more it's making you look bad because people now want to know what really happened. Any chance a certain senator was in on this too?"


Continue reading below ↓

"When some people learned the Larrañagas consulted me in the Chiong case they were aghast. Why are you helping them I was asked."


"Thanks to media the accused were convicted by the public long before the judge did. I've had other cases like this. But forensic science is not about taking sides. We search for the truth. Those who ask for our help are the ones not afraid of the truth."

Continue reading below ↓

"Meg Imperial said 'the movie is not about justice' but 'Mrs Chiong hopes that Viva's movie could clarify the issue and enlighten the public.' How do you do that?'"

Si Fortun din ang nagsagawa ng autopsy sa labi ni Judge Martin Ocampo ng Cebu Regional Trial Court na kinitil ang sariling buhay noong October 7, 1999.

Si Ocampo ang nagpataw ng two-life terms kay Larrañaga at sa ibang mga suspect sa pagpaslang sa Chiong sisters.

Limang buwan matapos patawan ng parusa ang mga akusado, natagpuan ang bangkay ni Ocampo sa isang hotel at ang kanyang alleged suicide note.

Kaya may mga intriguing speculation ang millennials na nagpakita ng interes sa kaso ng Chiong sisters.

Pero may sagot si Fortun tungkol sa autopsy niya sa katawan ng biktima:

"Locked himself in hotel room, tried cutting wrists and ankles but didn't die.

"Successful with single contact gunshot wound of temple using his own gun.

Continue reading below ↓

"Suicide note. Clear intent, self-inflicted," ang pahayag ni Fortun para sa ikapapanatag ng kalooban ng mga nagbibigay ng ibang interpretasyon sa suicide ni Ocampo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results