Aktor, nakipaghiwalay sa aktres dahil sa natuklasan niyang used condom

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2018

Ang akala ng lahat, ang pagiging selosa at possessive ng aktres ang ugat kaya hiniwalayan siya ng aktor na karelasyon niya.

May malalim na dahilan ang aktor sa pakikipaghiwalay nito sa aktres dahil sa kanyang intriguing discovery—ang used condom na nakita niya sa condominium unit ng ex-girlfriend.

Imbes na usigin ang aktres, nanahimik ang aktor.

Walang confrontation scene na nangyari dahil sapat na para sa aktor na nalaman nitong hindi faithful sa kanya ang karelasyon.

Ginagawa ng aktres ang lahat ng paraan para magkabalikan sila ng aktor.

Walang kamalay-malay ang aktres na may natuklasang "damning evidence" ang ex-boyfriend kaya nawalan na ito ng tiwala sa kanya at malabo na talaga ang posibilidad na magkabalikan sila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results