Dating personal assistant ni Maricel Soriano, artista na

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2018

Artista na rin si Brenda Mage, ang gay comedian na nagtrabaho noon bilang personal assistant ni Maricel Soriano.

Ang natural talent ni Brenda sa pagpapatawa ang instrumento kaya napansin siya ng mga movie producer.


Brenda Mage with Pinay Beauty co-star Maxine Medina

Ang 2012 indie movie na Dorm Boys ang unang pelikula na ginawa ni Brenda at co-star niya roon si Nadine Lustre.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Brenda, "Hindi pa sikat noon si Nadine, 'tapos gumawa na rin ako ng pelikula para sa Cinema One.

"Personal assistant dati ako ng mga artista pero on call ako na P.A.

"Nag-P.A. ako kay Maricel Soriano, sa mga boyband.

"Walang naka-discover sa akin, nag-audition lang po ako.

"Eventually, noong 2013, naging stand-up comedian ako.

"Simula bata pa lang ako, kumpulan na ako ng tawanan kaya nagamit ko siya sa stage.

"Magaling ako magpatawa sa personal, pero sa stage, hindi masyado. Kumakanta rin po ako,” ang pagpapakilala ni Brenda sa sarili.

Ang Pinay Beauty, na pinagbibidahan nina Maxine Medina at Chai Fonacier at official entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino, ang bagong pelikula ni Brenda.

Effortless siyang nang-agaw ng eksena sa presscon kaya nakuha niya ang atensiyon ng lahat.

Nang tanungin kung may insecurities siya sa physical beauty niya, sumagot si Brenda ng:

“Ako, hindi naman ako nai-insecure sa kulay ko kasi yung hitsura ko naman talaga ang may problema.

Continue reading below ↓

"Kahit maputi o maitim ang balat ko, yung mukha ko naman ang may problema.

"Yung sa akin, hindi na ako nag-effort na pagandahin pa, pinalala ko na lang.

"Kahit anong gawin ko, walang choice, ito talaga ang ibinigay ng Diyos.

"Kung sila [co-stars niya sa Pinay Beauty], gawa ng Diyos, hindi ko alam baka yung kalaban ng Diyos siguro ang gumawa sa akin.

"Kasalanan ng nanay ko, siguro nagpachururot sa diyablo talaga, so what you see is what you get!”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results