Online petition para muling buksan ang Chiong murder case, mas umigting dahil sa pelikula

by Jojo Gabinete
Jul 20, 2018

Nadaragdagan ang mga online petition na humihikayat kay President Rodrigo Duterte na muling buksan at paimbestigahan ang kaso ng kidnapping, rape, at murder case ng magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong na naganap sa Cebu noong July 16, 1997.


Marijoy and Jacqueline Chiong

May online petition na ring palayain si Paco Larrañaga at ang ibang mga suspect dahil inosente raw ang mga ito sa mga kasalanang ibinibintang laban sa kanila.

Continue reading below ↓


Paco Larrañaga (second from left) with the other suspects in the Chiong sisters case

Ang mga online petition ang epekto ng Jacqueline Comes Home, ang pelikulang halaw sa mga tunay na pangyayari, ayon sa naulilang pamilya ng Chiong sisters.

Ang pagpapalabas sa mga sinehan ng Jacqueline Comes Home ang naging mitsa para mabuhay ang interes ng publiko sa kaso ng Chiong sisters at sa Give Up Tomorrow, ang documentary movie tungkol kay Paco, isa sa mga pitong suspect na sumusumpa na inosente siya.

Continue reading below ↓

Malaki ang kinalaman ng social media kaya muling umingay ang kaso ng magkapatid na Chiong.

Hindi pa uso ang social media noong 2004 kaya iilan ang nakakaalalang hindi ang Jacqueline Comes Home ang unang pelikula tungkol sa Chiong sisters.

Si Toto Natividad ang direktor ng Animal, ang 2004 movie ni John Regala at ng mga sexy star na sina Via Veloso at Pyar Mirasol.


Continue reading below ↓

Jaco ang pangalan ni John sa Animal at siya ang utak ng pagdukot at pagpatay sa mga karakter na ginampanan nina Via at Pyar.

Sa short conversation ng Cabinet Files kay Natividad ngayong hapon, July 20, inamin niyang halaw sa kaso ng Chiong murder case ang kuwento ng kanyang pelikula noong 2004.

Cast member ng Animal si Edgar Mande na US-based na, at siya naman ang nagkuwento sa Cabinet Files na Chiong Sisters Massacre ang original title ng pelikula nila.

Sinabi ni Edgar na nagreklamo ang Chiong family kaya binigyan ni Natividad ng ibang twist ang kuwento at pinalitan din ang title.

Mula sa title na Chiong Sisters Massacre, naging Butakal (Cebuano word for baboy) ang pamagat ng pelikula, pero Animal ang final choice ni Natividad.

Gumanap din na Paco Larrañaga si Niño Muhlach sa isang programa ng ABS-CBN tungkol sa Chiong sisters murder case na ipinalabas sa TV noong kainitan ng paglilitis sa mga suspect.

Continue reading below ↓

Ginampanan nina Gina Alajar at Tommy Abuel ang roles nina Thelma at Dionisio Chiong, respectively, at si Jennifer Sevilla ang nagbigay-buhay sa karakter ni Jacqueline.

Ayon kay Niño, pabor sa Chiong family ang kuwento ng television drama na pinagbidahan niya noong dekada ’90, pero nakikiisa siya sa panawagan na muling pabuksan ni Duterte ang kaso.

"I hope so dahil kawawa naman si Paco kung totoo na wala siyang kasalanan," ang sabi ni Niño, na masugid ding sinusubaybayan ang mga bagong development sa kaso na resulta ng theatrical exhibition ng Jacqueline Comes Home.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results