Bianca Umali, tinotoo ang sampal kina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara; Bianca at Kyline, may silent feud?

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2018

Ang totoong pagsampal ni Bianca Umali kina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara sa mga eksena nila sa Thursday night (July 19) episode ng Kambal, Karibal ang dahilan kaya lalong tumindi ang mga haka-hakamng ay problema sa sa isa’t isa ang lead stars ng prime time television series ng GMA-7.


Continue reading below ↓

Ang makatotohanang slapping scenes ang isa sa mga dahilan kaya inaabangan ng televiewers ang mga susunod na episode ng Kambal, Karibal dahil kumbinsido silang may tensiyon sa set ng programa.

Isang Cabinet Files informant ang nagsabing masakit pa rin ang pisngi ni Miguel, isang araw matapos kunan ang confrontation scene nila ni Bianca dahil tinotoo nito ang pagsampal sa kanya.

Tulad ng plot ng Kambal, Karibal, si Kyline ang pinararatangang third party sa rumored breakup nina Miguel at Bianca.

Pero pinabulaanan ito ng isang malapit kay Kyline, na napansin ang acting ability sa unang teleserye project niya sa GMA-7, kaya may anggulo ring insecure sa kanya si Bianca.

Idinagdag ng Cabinet Files source na hindi gimmick para sa nalalapit na pagtatapos sa August 3 ng Kambal, Karibal ang silent feud sa pagitan nina Bianca at Kyline, na naging tunay na magkaribal tulad ng pamagat ng prime time show nila sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Postscript: Isang movie company ang interesadong mag-produce ng pelikula na pagbibidahan nina Miguel, Bianca, at Kyline pero walang katiyakan kung matutuloy ito dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga artista ng Kambal, Karibal.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results