Donnalyn Bartolome, idinaan sa social media ang himutok sa Viva imbes na makipag-usap sa manager

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2018

Sa tunay na buhay at sa showbiz, lumilipas ang lahat ng mga mabibigat na pinagdaraanan.

Kaya hindi na dapat magpaapekto si Donnalyn Bartolome sa kontrobersiyang nilikha ng pelikulang Jacqueline Comes Home, na naging dahilan para pakiusapan siya ng kanyang ina na mangibang-bansa na lamang dahil walang karapatan ang publiko na hamakin ang pagkatao niya.


Continue reading below ↓

Hindi na dapat nagsalita si Donnalyn na linawin ng Viva Artists Agency ang katotohanan para hindi siya sisihin ng publiko.

Exclusive contract star si Donnalyn ng Viva Artists Agency.

Napakadali para kay Donnalyn na kausapin nang personal ang manager niya para malinawan at masagot ang mga isyung may kinalaman sa pelikula na gumugulo sa kanyang isipan.

Hindi kailangang i-post niya sa social media ang kanyang mga agam-agam sa buhay para hindi na lumaki ang isyu at maiwasang maakusahan siyang nagpapakontrobersiyal.

Malinaw sa amin na alam ni Donnalyn na magkakaroon ng mga negative feedback sa pelikula nila ni Meg Imperial dahil sa mga pahayag niya sa presscon ng Jacqueline Comes Home noong Friday the 13th ng July.

To quote Donnalyn: “Hindi talaga ipinapaalam sa artists kung ano talaga ang ending para may mystery po.

"I was worried po actually about the negative feedback and anything, so what I did na lang, I focused na lang on how the family felt tungkol sa tragedy na ’to para makuha ko po yung best ko as an actress in this film.

Continue reading below ↓

"Ang nasabi po sa akin ni Direk [Ysabelle Peach Caparas], isa lang ang kinakausap ni Mrs. Chiong, which is Direk Carlo J. Caparas. Hindi po rin namin siya na-meet."

Nagsalita naman si Meg na si Direk Carlo lang ang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay ng mga Chiong sa present time.

"When we did that film, even the ending, hindi rin sinabi sa amin.

"We just shoot all the scenes and we didn’t know which one is the ending," ang paliwanag ni Meg.

Trivia: Kapwa dumalo sina Meg at Donnalyn sa premiere night ng Jacqueline Comes Home sa SM City Cebu Cinema noong Martes, July 17.

Kaya alam nila na nag-walk out si Mrs. Thelma Chiong dahil naging emosyunal ito nang ipakita ang mga eksena ng pang-aabuso sa kanyang mga anak na sina Marijoy at Jacqueline, ang mga karakter na ginampanan nina Meg at Donnalyn, respectively.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results