Mga tagasuporta ni Paco Larrañaga, ipinanawagan ang kanyang paglaya at pagbabalik sa Pilipinas

by Jojo Gabinete
Jul 21, 2018

Bukod sa mga online petition kay President Rodrigo Duterte na pabuksan nito ang kaso ng kidnap/rape/murder case ng magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong, nagkaroon ng interes ang publiko na malaman ang mga nangyayari ngayon sa buhay ni Paco Larrañaga.

Si Paco ang isa sa mga nahatulang mabilanggo dahil sa krimen na itinanggi niyang may kinalaman siya.


Continue reading below ↓

Kung may pelikula na Jacqueline Comes Home, may panawagan ang mga naniniwala na inosente si Paco na palayain ito mula sa pagkakakulong sa Madrid, Spain, at payagang makauwi sa Pilipinas.

Hinihikayat din ng ating mga kababayang naniniwalang may nangyaring mistrial na gumawa sina Jessica Soho at Raffy Tulfo ng feature story para sa kanilang mga television program tungkol sa Chiong murder case.

Hindi lamang ang full version ng Give Up Tomorrow, ang documentary movie tungkol sa kaso ni Paco, ang pinapanood sa YouTube na milyun-milyon na ang views.

Lumitaw rin ang old video ng pagsasalita ni Paco sa isang forum na dinaluhan niya sa Spain noong 2012.

Hiningi ng Cabinet Files ang tulong ni Bing Byrd, isang kaibigan na expert sa wikang Español, para maisalin sa American language ang mga pahayag ni Paco.

Narito ang pahayag ni Paco na isinalin sa Ingles:

"Right now, I have the good fortune to have the opportunity to study outside for some hours [during the day] and sleep inside [detention] every night. For me this is freedom.

Continue reading below ↓

"For me this is starting, little by little, because everything is new for me.

"And right now... I always believe that one day the truth will come out. I always believe that.

"I'm here, I’m alive, and that's not for nothing.

"Yes [inaudible] the death penalty, but I am convinced the truth will emerge soon.

"Right now they are taking action to, more or less, ask the Philippines to grant pardon, and right now I am... these things, in time, and one day.

"I don’t know what more we can do. The only thing is to pray, pray, and the power of prayer is incredible. Pray a little more and everything will turn out well."

Hindi nawawala ang malaking tiwala ni Paco sa Panginoon, sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan niya mula pa noong July 1997.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results