NDRRMC text alerts, nakaka-tense nga ba?

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2018

“Pa-fall, paasa, nakaka-tensyon, malakas maka-low batt at stalker.”

“Caring, sweet, thoughtful at mapagmahal.”

Ilan lang ito sa mga reaksyon, both negative at positive, sa mga text alert na natatanggap ng lahat mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) buhat nang maging sunud-sunod ang pagpasok ng mga bagyo at habagat sa Pilipinas.


Continue reading below ↓

Basta Pilipino, hindi nawawalan ng mga komento (na karamihan ay nakakatawa, kahit sa gitna ng mga kalamidad at mga nakaambang panganib), para lang mapagaan ang sitwasyon at mabawasan ang kabang nararamdaman nila.

Nagsimula ang “love affair” ng mga Pilipino at ng NDRRMC nang lagdaan ni former President Noynoy Aquino noong June 20, 2014 ang Republic Act 10639, o The Free Mobile Disaster Alerts Act.

Dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa Republic Act 10639, marami ang nagtataka at nagtatanong kung paano nalalaman ng NDRRMC ang kanilang mga private cellphone number.

Ang Republic Act 10639 ay isang batas “mandating the telecommunications service providers to send free mobile alerts in the event of natural and man-made disasters and calamities,” kaya dapat maging malinaw sa ating mga kababayan na ang telecommunications companies ang nagpapadala sa kanilang subscribers ng text alerts ng NDRRMC.

Mula pa noong nakaraang linggo, napapadalas ang pananalanta ng mga habagat na nagdulot ng mga pagbaha sa Metro Manila at karatig-probinsya kaya kahit madaling-araw, sunud-sunod ang mga text alert ng NDRRMC na hindi na ikinatutuwa ng mga nagigising mula sa kanilang mahimbing na pagtulog.

Continue reading below ↓

Mga kilalang personalidad at hindi lamang mga ordinary Filipino citizens ang nakakatanggap ng mga babala mula sa NDRRMC.

May mga nagrereklamo na nagkaroon na sila ng nerbyos dahil sa mga abiso na ipinadadala ng NDRRMC na para naman sa kanilang mga kapakanan.

Dahil dito, hiningi ng Cabinet Files ang opinyon ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas na nasa posisyon para i-address ang concern ng ating mga kababayan.

“Siguro, it would be better if they change the alarm sound to something that calls enough attention but does not promote panic.

“We appreciate the effort of NDRRMC in using technology to deliver important information to the people during calamities, for free, but I really hope they can adjust the alarm tone,” pakiusap ni Alfred na hindi rin exempted sa mga nakakagulat na text alerts ng NDRRMC.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results