Gladys Reyes, thankful sa extension ng Inday Will Always Love You

by Jojo Gabinete
Jul 22, 2018

Ang chef at BuyBust actor na si Victor Neri ang newly-hired supervisor ng Estela, ang restaurant business ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas at ng iba pa nilang mga kasosyo.

Matatagpuan ito sa Sta. Lucia East Mall sa Cainta, Rizal.

Sa July 31 ang grand opening ng Estela at ayon kay Gladys, si Christopher ang kumuha kay Victor bilang supervisor ng restaurant dahil magkaibigan ang dalawa at may malawak na kaalaman si Victor sa kitchen.

Sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo naman ang inimbitahan nina Gladys at Christopher para mag-cut ng ribbon sa opisyal na pagbubukas ng Estela.

Bukod sa magkatulong sila sa pagpu-promote sa restaurant business nila, magkasama rin sina Gladys at Christopher sa Inday Will Always Love You na nabigyan ng extension ng GMA-7 dahil sa mataas na rating nito.


Continue reading below ↓

“Grateful kami ni Chris sa mga boss namin sa GMA News & Public Affairs dahil bukod sa blessing na magkasama kami sa show, markado ang ibinigay na roles sa amin.

“Lately, nagdi-disguise ako at enjoy ako kasi napaglalaruan ko ang karakter ko.

“Naging taong grasa ako, zoo keeper, Marilyn Monroe, Lady Gaga…

“Sumabit ako sa helicopter at soon, babalik na si Amanda as herself and will rise to power again.

“So far, ito ang pinaka-challenging at masaya ko na teleserye na ibinigay sa akin ng GMA.

“Open sa suggestions ang team namin, pinapupunta nila ako sa brainstorming at marespeto na katrabaho sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio at Juancho Trivino.

“Masarap din kasama sina Tita Nova Villa at Direk Ricky Davao.

“Sina Manilyn Reynes at Tina Paner, ang feeling ko, ako dapat ang ka-triplet nila. Sobrang vibes kami.

“Sobrang happy talaga at unexpected din na biglang dumating sa akin ang Inday Will Always Love You at bonus pa na magkasama kami na mag-asawa kaya ang mga anak namin, avid viewers ng show.

Continue reading below ↓

“Sumasama sila kaya panalo ang work at bonding namin,” ang non-stop na kuwento ni Gladys na gagawin ang lahat para mapasaya ang televiewers sa pamamagitan ng kanyang wacky and funny but kontrabida role sa Inday Will Always Love You.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results