Yasmine Espiritu, mas hirap sa ikatlong pagbubuntis niya

by Jojo Gabinete
Jul 23, 2018

Ang youngest daughter na si Aryana at hindi ang kanyang misis na si Yasmine ang kasama ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas sa opisyal na pagbubukas ng 17th Congress of the Philippines ngayong Lunes, July 23.


Rep. Alfred Vargas with daughter Aryana

Fourteen weeks pregnant sa kanilang third child si Yasmine kaya pinili nitong magpahinga dahil maselan ang pagbubuntis niya.

Continue reading below ↓

Walang pagkain na napaglilihian si Yasmine, pero inamin nito sa Cabinet Files na medyo nahihirapan siya ngayon kumpara sa pagbubuntis niya sa panganay at pangalawa na anak nila ni Alfred.

Dasal para sa kanya at sa ipinagbubuntis niya ang hiling ni Yasmine.

Ngayon ang wedding anniversary nina Alfred at Yasmine, na kapwa itinuturing na perfect gift na madaragdagan ang miyembro ng kanilang pamilya.

Postscript: Buntis din si Aubrey Miles sa kanyang third child at gaya ni Yasmine, nahihirapan ang former sexy star sa pagbubuntis dahil sa morning sickness na nararanasan niya.

Ang ipinagbubuntis ni Aubrey ang second child nila ni Troy Montero.

Ang former actor na si JP Obligacion ang ama ng panganay ni Aubrey.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results