Beauty queen Cindy Miranda, tinalo ang Star Magic at Viva talents para sa isang role sa Korean movie

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2018

Package Golden Holiday ang title ng Korean action-comedy movie na ginagawa ni Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda.

Nakuha niya ang role dahil nakapasa siya sa audition na ipinatawag ni Kim Bong Han, ang award-winning director na in charge sa project.

Ang multi-awarded Korean actor na si Kwak Do Won ang leading man ni Cindy sa pelikulang kinukunan sa Pilipinas ang mga eksena.

Ilan sa mga sikat na Korean films nilabasan ni Do Won ay ang mga sumusunod: The Yellow Sea, Nameless Gangster: Rules of the Time, The Attorney, The Wailing, Asura: The City of Madness, at Steel Rain.


Continue reading below ↓

Cindy Miranda with Korean actor Kwak Do Won

Kuwento ni Cindy tungkol sa Korean movie na ginagawa niya, "I’m the wife of the lead actor in the movie, he’s famous in Korea.

"I’m a Filipina in the movie, I’m representing the Filipina wife, ipinapakita ko ang traits, kung paano magsalita..

"Sobrang ayos nila na katrabaho. I have my own tent.

"In a day, four scenes lang ang kinunan namin at eight hours lang ang work namin.

"The movie will be shown in Korea.

"Maraming beses akong bumalik sa auditions.

"Sobrang dami ng artista na sumali—from Star Magic, from Viva.

"Isa ako sa mga late na nag-audition dahil ilang months na pala sila na nagpapa-audition.

"Talagang gusto nilang makita yung karakter na hinahanap nila.

"They don’t care if you’re famous or madami kang followers. They want yung talagang pasok ka sa karakter."

Continue reading below ↓

Patuloy ni Cindy, "Ang daming proseso, ang daming callback.

"Grabe, ilang buwan kaming pabalik-balik sa Dusit Thani hotel dahil dito yung office nila.

"Sobrang thankful ako dahil ako ang napili.

"Nag-expect ako, pero sabi ko, sikat yung mga kalaban ko sa audition, umaarte rin naman sila.

"I’m not sure kung ano ang hinahanap nila. Basta Pilipina, e, lahat naman kami Pinay.

"Hindi ko alam kung ano ang importante sa kanila but, I think, it’s really the acting."

Bilang respeto, tumanggi siyang sabihin ang pangalan ng mga sikat na artista na nakasabay niya sa auditions.

English at Tagalog ang mga dialogue ni Cindy sa Package Golden Holiday.

Natutuwa ang former beauty queen dahil binigyan siya ng kalayaan ng direktor ng pelikula na mag-adlib, gamit ang Philippine language.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Cindy Miranda
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results