Action stunts ni Anne Curtis sa BuyBust, tinalbugan ang action scenes ni Uma Thurman sa Kill Bill

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2018

Tatlong beses pinalakpakan ng audience ang mga eksena ng BuyBust sa red-carpet premiere na ginanap sa Cinema 7 ng TriNoMa kagabi, July 23.


(L-R) Arjo Atayde, Anne Curtis, director Erik Matti, and Brandon Vera

Nagpalakpakan ang mga invited guest dahil sa engaging story and death-defying scenes ng unang action movie ni Anne Curtis, na hinigitan ang action stunts ni Uma Thurman sa 2003 film na Kill Bill.

Continue reading below ↓

Nangyari lang sa isang gabi ang kuwento ng BuyBust, na hindi dapat panoorin ng mga mahihina ang puso dahil sa mga violent and gory scene.

Jampacked ang red-carpet premiere ng BuyBust kaya nakasalampak sa sahig ng Cinema 7 ang mga nanood na nawalan ng upuan.

Hindi sila tumayo hanggang hindi natatapos ang pelikula na binigyan ng R-16 rating ng MTRCB dahil sa mga maseselang eksena.

Napapanahon ang BuyBust dahil tungkol sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga ilegal na droga ang kuwento ng pelikula na nangyayari sa tunay na buhay, hanggang ngayon.

Kung pagbabasehan ang katapusan na eksena ng BuyBust, at kapag maganda ang resulta nito sa box office kapag nagbukas sa mga sinehan sa August 1, hindi malabo ang posibilidad na magkaroon ng sequel ang pinakamahirap na pelikulang ginawa ni Anne.

Dumalo sa red-carpet premiere ng BuyBust ang mga industry major players na sina Boss Vic del Rosario ng Viva Films at Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc.

Continue reading below ↓


Viva big boss Vic del Rosario with partner Joannq Quintas and Regal's Mother Lily Monteverde with son Dondon

Joint production venture ng Viva Films at ng Reality Entertainment, Inc. nina Dondon Monteverde at Erik Matti ang BuyBust na may 56 shooting days at PHP80 million budget.

Pinuri ng Variety at Screen Daily ang BuyBust dahil sa “superbly executed action scenes.”

Continue reading below ↓

Dahil sa mga positive review ng international press at film critics, walang mag-aakalang ni-reject ng screening committee ang BuyBust nang subukan itong isali ng controversial director na si Erik Matti sa Metro Manila Film Festival 2017.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results