Kristoffer Martin, inamin ang pagkakamali sa pagre-react sa Paul-Barbie issue

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2018

Pinagbawalan na si Kristoffer Martin na magsalita tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hidwaan ng young lovers na sina Paul Salas at Barbie Imperial.

Pero sinagot pa rin niya ang mga tanong ng entertainment press sa media conference ng Victor Magtanggol na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network, Inc. kagabi, July 23.


Continue reading below ↓

Nagsalita si Kristoffer na hindi na siya magkukuwento at sasabihin na lamang ang kanyang panig.

Ipinaliwanag ng Kapuso actor na kung anuman ang initial reaction niya sa lover’s spat nina Paul at Barbie, ito ay dahil sa close friendship nila ng aktor na nakasama niya noon sa Kung Fu Kids, ang 2008 television series ng ABS-CBN.

Ayon kay Kristoffer, "Sobrang close kami ni Paul. Kumbaga, yung initial reaction ko, as a kuya.

"Ikaw ba naman, kapatid mo, binangga na, hindi ka pa sasagot?

"Sa circle kasi namin, ako yung pinakamatanda.

"Pero binawi ko naman kasi parang too much. Sobrang aggressive ko rin.

"Hindi ko nga nagamit yung advocacy ng GMA na ‘Think before you click.’

"Aminado naman ako kaya nag-apologize din ako agad.

"Iisipin nila, nangingialam ako, pero iisang circle kami.

"Even si Barbie, nasa circle namin."

Diin pa niya, "Hindi siya pangingialam, e, technically, usapang barkada siya.

Continue reading below ↓

"Technically, mukha akong sumawsaw, pero isyung barkada kasi iyon.

"Hindi mo naman makokontrol yung ibang tao.

"Kumbaga, everybody is entitled to their own opinion. Nirerespeto ko naman yun.

"Kaibigan ko rin naman si Barbie. Sa akin lang, sana hindi na nila ipinublic.

"Hindi ko pa nakakausap si Barbie.

"Ayoko na rin magsalita. Wala ako sa lugar para sabihin kung ano talaga yung nangyari.

"Alam ko yung isang side, hindi ko alam yung isang side.

"Lesson learned na rin sa akin kaya tameme na ako."

Balak daw ni Kristoffer na mag-apologize kay Barbie kung sakaling magkita sila nang personal.

Tumagal ng walong minuto at 11 segundo ang pakikipag-usap ng Cabinet Files kay Kristoffer, kaya confirmed na guilty siya sa redundant na paggamit ng "kumbaga" at "technically."

Labindalawang beses na ginamit ni Kristoffer ang "kumbaga" at apat na beses ang "technically" kaya, technically, nasanay siya sa pagsasalita ng "kumbaga."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results