President Duterte, muntik nang mag-walk out sa SONA 2018 dahil sa Arroyo-Alvarez power struggle

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2018

Ang Eat Bulaga! host at current Senate President na si Tito Sotto ang nagkumpirmang totoo ang kumalat na balitang muntik nang mag-walk out kahapon si President Rodrigo Duterte.


Ito ay dahil sa power struggle na nangyari sa pagitan nina former House Speaker Pantaleon Alvarez at Pampanga House Representative Gloria Macapagal-Arroyo, ilang oras bago naganap ang na-delay na State of the Nation Address ng Pangulo.

Continue reading below ↓

"He gave threat to that effect, ‘magwo-walk out na lang ako kapag hindi nila inayos iyan,' something to that effect.

"Ang sabi naman namin sa kanya, 'Kapag nag-walk out kayo, wala na yung SONA.'

"Ipinoint out lang ni Congressman Rudy Fariñas sa kanya na this is a constitutional mandate.

"Kasi ang sagot ko sana, e, kapag nag-walk out kayo, e, susunod na yung Senate contingent," ang sagot ni Sotto sa mga miyembro ng media na tinanong siya tungkol sa katotohanan sa walkout threat kahapon ni President Duterte.

Parang teleserye na sinubaybayan kahapon ang live telecast ng agawan sa kapangyarihan nina Alvarez at Arroyo na umani ng iba’t ibang klase ng memes, mostly sarcastic and insulting.


Continue reading below ↓

Hindi naintindihan ng televiewers at ng mga tao sa Plenary Hall ng Batasang Pambansa ang mga unang pahayag ni Arroyo matapos manumpa kahapon na Speaker of the House—isang very ironic na pangyayari bilang siya ang first female house speaker sa Pilipinas—pero walang nakarinig sa mga sinabi niya dahil sinadya na patayin ang audio ng mga mikropono.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results