Kylie Padilla at Aljur Abrenica, magpapakasal na bago matapos ang 2018

by Jojo Gabinete
Jul 26, 2018

May panahon na si Kylie Padilla na asikasuhin ang 1st birthday party ng kanyang anak na si Alas sa August 4 at ang plano nila ni Aljur Abrenica na pagpapakasal bago matapos ang 2018.

Tapos na kasi ang taping niya para sa The Cure na magwawakas bukas, Biyernes, July 27.


Continue reading below ↓

"Somewhere over the rainbow at secret" ang pabirong sagot ni Kylie sa mga nagtatanong sa lugar na pagdarausan ng pag-iisang dibdib nila ni Aljur.

So far, according to Kylie, date at headcount (ng mga bisita) pa lang ang meron dahil hindi pa final ang ilang mga detalye ng Abrenica-Padilla nuptial.

Isang kasalan na simple ang pinaplano nina Kylie at Aljur dahil mas pinaghahandaan nila ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Pahayag ni Kylie, "Kailangang ayusin yung relasyon.

"Actually, yung pagpapakasal namin is for family, para rin kay Alas, buo kami. Basta maayos kami."

Mas malawak na ngayon ang pang-unawa ni Kylie dahil nakumpleto ang kanyang kaligayahan mula nang maging ina at undeniably happy sa piling ni Aljur.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results