Nino Muhlach at Donnalyn Bartolome, apektado matapos gumanap ng mga karakter sa Chiong murder case

Dalawang artista ang nagkaroon ng realization dahil sa mga kontrobersiyang nilikha ng Jacqueline Comes Home at ng documentary movie na Give Up Tomorrow.

Ito ay sina Donnalyn Bartolome, na gumanap na Marijoy sa maingay na pelikula ng Viva Films, at si Niño Muhlach, ang nagbigay-buhay sa katauhan ni Paco Larrañaga sa kaso ng pagpatay sa Chiong sisters na isinadula ng ABS-CBN noong dekada ’90.


Binura na ni Donnalyn ang Facebook rant nito para sa Viva Artists Agency na hiningan niya ng paliwanag dahil naapektuhan siya ng mga negative comment laban sa Jacqueline Comes Home.

Apparently, na-realize ni Donnalyn na hindi tama na i-post sa social media ang mga reklamo kesa makipag-usap nang maayos sa mga executive ng Viva Films at Viva Artists Agency, na supportive sa acting career niya at hindi nawawalan ng mga assignment na ibinibigay sa kanya.

Hindi naman nakapagtataka ang paghingi ni Niño ng paumanhin kay Paco dahil nang makausap siya ng Cabinet Files bago niya inilabas ang apology, sinabi ng former child wonder ang kanyang mga realization matapos mapanood ang Give Up Tomorrow.

Isinama ni Niño sa apology post nito ang screenshot ng report ng PEP.ph tungkol sa kanyang pagganap noon bilang Paco sa isang television show ng ABS-CBN para higit na maunawaan ng publiko ang pinanggalingan ng paghingi niya ng paumanhin sa isa sa pitong suspects sa pagpatay sa Chiong sisters.

Meanwhile, kasali ang pangalan ng former beauty queen-turned-actress na si Dindi Gallardo sa mga pinasalamatan ni Marty Syjuco sa closing credits ng Give Up Tomorrow.

Si Marty ang direktor ng controversial documentary movie tungkol kay Paco at magkaibigan sila ni Dindi.

Sinabi ni Dindi sa Cabinet Files na isa siya sa mga hiningan ni Marty ng feedback tungkol sa Give Up Tomorrow bago ito isinali at ipinalabas sa mga international film festival noong 2011, kaya kasama ang pangalan niya sa mga pinasalamatan ng direktor.

To Dindi’s knowledge, marami pa ang mga footage tungkol sa kaso ni Paco na hawak ni Marty pero hindi nakasama sa final cut ng Give Up Tomorrow.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN