Wendell Ramos, handa ulit magpakita ng puwet; fitspiration si Piolo Pascual

Naniniwala si Wendell Ramos sa kasabihang "life begins at 40" dahil turning 40 years old na siya sa August 18.

At his peak ang pakiramdam ni Wendell dahil wala na siyang nararamdamang regrets o insecurities, na naranasan niya noong bata pa siya.


IMAGE Noel Orsal

"To inspire" ang isa sa mga life goal ni Wendell kaya, kung mabibigyan ng pagkakataon, handa siyang ulitin ang pinag-usapan noong scene-stealing-butt-naked performance niya sa underwear and jeans fashion show ng Bench.




"Gagawin ko pa rin yun. Gusto kong gawin yun. Magpapakaano ako ngayon.

"I mean, claim mo, wala naman masama.

"Gusto ko yung sinasabi na 'ang tanda mo na,' gusto ko yun, gustung-gusto ko yun.

"Sino ang ini-inspire mo?

"Iyan ang dahilan kaya post ako nang post [sa Instagram], to inspire yung ibang ka-age natin.

"Nagpapaka-fit ako, hindi para to look good lang, for health reasons, para sa pamilya ko.

"I keep on posting it para ma-inspire yung ibang mga daddy.

"Wala nga nagba-bash sa akin kaya natutuwa ako," sabi ni Wendell nang makausap siya ng Cabinet Files sa grand presscon ng Onanay, ang comeback project niya sa GMA-7, kagabi, July 26.

just be positive!.. #godisgreatallthetime ????????? #traininsane #promatrix7 ?????????

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial) on

Si Piolo Pascual ang isa sa mga fitspiration ni Wendell dahil bilib siya sa disiplina sa katawan ng kapwa aktor na isang taon ang tanda sa kanya.

Sabi niya "I admire Piolo, hindi dahil Piolo Pascual na siya, given na yun.

"Talagang ina-admire natin siya, magaling na artista, magaling sa trabaho.

"Ina-admire ko yung discipline niya dahil ang hirap pala talaga na mag-artista. Yung sacrifices."

Ipinagtapat din ni Wendell ang takot niya noon sa commitment, pero malaki ang ipinagbago ng takbo ng buhay niya dahil sa babaeng pinakasalan niya.

"Nagkaroon na ako ng wife dati. It didn’t work out, may rason, bata kami.

"Nung nakasal ako, big factor yung family.

"Kasi dati, noong bata ako, takot akong mag-commit, gusto kong mag-enjoy, e.

"Yung enjoy, walang katapusan. Marami nga diyan, kung kailan nagkaedad, nagloko pa rin.

"No offense meant sa mga ganoon ang nangyari, pero ako, ang kaligayahan ko ngayon, yung kasama ko lang ang mga anak ko at asawa ko.

"Madaming maganda, mas maraming maganda kesa sa kasama mo sa buhay, pero yun ang ibinigay sa iyo ni God.

"Ngayon, sobrang saya ko."

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN