Direk Julius Alfonso, naniniwala bang nagkarelasyon sina Ahron at Kakai?

Magkasabay na magbubukas sa mga sinehan sa August 1 ang BuyBust, ang critically-acclaimed action movie ng Viva Films at Reality Entertainment, Inc. na pinagbibidahan ni Anne Curtis, at ang Harry & Patty, ang romantic-comedy movie ng CineKo Productions na tinatampukan ng "love team" nina Ahron Villena at Kakai Bautista.


Julius Alfonso

Confident ang Harry & Patty director na si Julius Alfonso (na contract director ng Viva Films) na parehong tatangkilikin ng moviegoers ang mga nabanggit na pelikula dahil magkaiba ang genre.

Nang tanggapin ni Alfonso ang directorial job offer ng CineKo Productions, ang one-on-one na pakikipag-usap kina Ahron at Kakai ang unang ginawa niya dahil nakarating sa kanya ang mga balita tungkol sa madalas na pag-aaway ng dalawa.

Ayaw ni Alfonso na magkaroon ng tensiyon sa set ng Harry & Patty at mabigat magtrabaho kapag hindi magkasundo ang mga artista niya.

Pero ibinigay nina Ahron at Kakai ang assurance na magkasundong-magkasundo na sila kaya walang mga aberya na nangyari sa shooting ng pelikula.

Dahil matagal na nagkasama ang tatlo, tinanong namin si Alfonso kung naniniwala ba siyang nagkaroon talaga ng relasyon sina Ahron at Kakai.

"Whatever it is, I think it’s something special. May lalim...

"Siguro someone cared more than the other one, but you can never tell kung sino," safe answer ni Alfonso.

Ang Harry & Patty ang second full-length movie project ni Alfonso, na unang nakilala dahil sa mahusay na direksiyon niya sa Dedma Walking, ang musical-comedy movie na official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2017.

Currently, si Alfonso ang direktor ng Sana Dalawa ang Puso, ang television series nina Jodi Sta.Maria, Richard Yap, at Robin Padilla sa ABS-CBN.

Impressive ang record ni Alfonso sa dalawang dekada niya sa movie at television industry dahil nagsimula siya bilang script supervisor hanggang maging assistant director at, eventually, direktor ng mga pelikula at teleserye.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN