Nora Aunor, aminin kaya sa kanyang libro ang pagpapakasal niya sa tomboy?

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2018

Positive ang mga feedback sa sinabi ni Nora Aunor sa Thursday night presscon ng Onanay na no-holds barred dahil walang itatago sa kanyang pinaplanong autobiography book.


Hindi makukumpleto ang history ng Philippine entertainment kapag wala ang pangalan ni Nora dahil sa kanyang phenomenal rise, success, at mga kontribusyon sa local music, movie, at television industry.

Continue reading below ↓

Ang Makulay na Daigdig ni Nora (1974-1979) ang pamagat ng drama anthology ni Nora sa RPN 9.

Sa tunay na buhay, makulay at maraming hamon na pinagdaanan at napagtagumpayan ang nag-iisang Superstar ng Pilipinas.

Kung matutupad ang pahayag ng iconic actress na wala itong itatago sa kanyang autobiography book, talagang kaabang-abang ito, lalo na kung tatalakayin ni Nora sa libro ang alleged same-sex marriage nila ni Nori Sayo sa Las Vegas noong May 22, 2000 na natuklasan ng PEP.ph noong May 20, 2007 ngunit pinabulaanan ni Nori.

Interesting ding malaman ang katotohanan tungkol sa mga showbiz personality na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya; gaya nina former President Joseph Estrada, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Richard Merck, John Rendez, among others.

Nang pumirma si Nora ng kontrata sa GMA-7 noong May 10, 2018, naikuwento ng multi-awarded actress ang mga taong niloko siya sa negosyo kaya nawala sa kanya ang mga kopya ng pelikulang ginawa ng film outfit niya, ang NV Productions.

Continue reading below ↓

Pangalanan kaya ni Nora sa binabalak na autobiography book ang mga taong pinagkatiwalaan pero inabuso ang kabutihan niya?

Aminin din kaya ng Superstar ang mga report na possessive siya sa kanyang mga kaibigan?

May kuwento na sa kabila ng sobrang kasikatan niya noon, nananatiling nakatungtong sa lupa ang mga paa ni Nora.

Mababaw ang kaligayahan ng aktres dahil masaya na siya kapag nakapaglalaro ng patintero, kasama ang mga kaibigan, kahit madaling-araw, sa shooting ng Tatlong Taong Walang Diyos sa Majayjay, Laguna at sa Quezon City village na tinitirhan niya.

Nagagawa lamang umano ni Nora na maglaro ng patintero tuwing dis-oras ng gabi habang tulog ang mga tao para hindi siya pagkaguluhan.

Marami pa ang mga anecdote tungkol kay Nora na hindi pa alam ng publiko kaya highly-anticipated ang publication ng biography book niya.

Incidentally, kinumpirma ng GMA-7 management ngayong umaga, Juy 27, na tuloy na tuloy na sa August 6 ang pilot telecast ng Onanay.

Continue reading below ↓

Kaya hanggang August 3 na lang ang airing ng Kambal, Karibal na muntik nang mabigyan ng isang linggong extension dahil sa mataas na rating.

Read Next
Read More Stories About
cabinet files, Nora Aunor
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results