Birthday girls Susan Roces, Alice Dixson, parang hindi tumatanda

by Jojo Gabinete
Jul 28, 2018

Dalawang aktres ang nagdiriwang ng kani-kanilang kaarawan ngayong Sabado, July 28: ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces at ang beteranang aktres na si Alice Dixson.

“Good health” ang one and only birthday wish ni Susan, ayon sa kanyang manager na si Dolor Guevara.

Isang dinner para sa 77th birthday ni Susan na dinaluhan ng kanyang malalapit na kaibigan ang naganap noong nakaraang linggo sa isang Thai restaurant sa Makati City.


Continue reading below ↓

“The face that refreshes” pa rin ang tawag kay Susan dahil napanatili niya ang natural beauty na walang niretoke sa anumang bahagi ng kanyang mukha.

Samantala, may kinalaman din sa health ang birthday wish ni Alice na “a healthy happy family.”


Hindi itinatanggi ni Alice na Golden Girl na ito sa susunod na taon, pero marami ang nagsasabing mas bata pa rin ang kanyang hitsura kesa sa edad niya na 49 anyos.

Continue reading below ↓

Hindi inililihim ni Alice na ang Ulthera Plus procedure ng Belo Medical Clinic ang sikreto ng kanyang effortless beauty.

Ang celebrity beauty doctor na si Dra.Vicki Belo ang nag-introduce kay Alice sa Ulthera Plus at siya ang pinili bilang endorser ng procedure.

“Ulthera lifted and tightened my skin and everyone notices it.

“They thought it was my make up but I told them it was Ulthera.

“It’s been a month now since my treatment and it really improved the fullness and glow of my face,” ang revelation ni Alice na-overwhelm sa mga positive feedback na natatanggap sa kanyang agaw-pansing billboard sa EDSA.

Read Next
Read More Stories About
Susan Roces, Alice Dixson
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results