Jackie Forster, thankful pa rin kahit absent si Andre sa family pictorial

“Kahit masakit na wala si Andre, I need to find joy in what I have and stay present.

“That’s why I will choose to always see the positive because no matter what, I’m still very blessed.

“And I need to be able to appreciate all of it because when I’m happy, my family is happy,” sagot ni Jackie Forster tungkol sa hindi pagsipot ng kanyang panganay na anak na si Andre Paras sa family pictorial nila.

Bumalik ng Pilipinas si Jackie at ang pamilya niya noong June 23 para personal na makilala ni Andre ang mga nakababatang kapatid nito.

Nag-set si Jackie ng family pictorial noong July 26 para matupad ang pangarap niya na magkasama-sama sa isang litrato ang kanyang mga anak.

Kumuha siya ng stylist at make-up artist para sa limang anak pero hindi nangyari ang inaasahan niya dahil mula nang dumating sila sa Pilipinas, hindi nagpakita sa kanya si Andre.

Marami ang nagtataka at nagtatanong dahil wala si Andre sa family picture, kahit malinaw ang statement ni Jackie tungkol sa naganap na pictorial.

“This was once just a 'dream sequence' for me, yesterday it was my reality.

“I tried to savor every minute while keeping everyone on track and organized.

“While one of my babies wasn’t able to make time, the other one was there. So what do I do????

“Focus on all these beautiful kids in front of me, right??? Right.

“Keeping my eyes on the Lord, while I patiently wait on His time to make ALL things right.

“One thing I know for sure is that Andre loves me. That’s enough for me at the moment.

“That’s more than what I had not so long ago. This mama is keeping it positive.

“A grateful heart is a blessed heart.”

Sapat na ang statement ni Jackie para hindi nito sagutin ang mga tanong, pero hindi nawawala ang kanyang paniniwala na darating ang araw na ipagkakaloob ng Diyos ang katuparan ng pangarap na “selfie” kasama ang lahat ng kanyang mga anak.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN