Ai-Ai delas Alas, nakipagtagisan ng pag-arte kay Direk Joel Lamangan

Sa August 5 ang gala screening sa CCP Theater ng School Service, ang third indie movie ni Ai-Ai delas Alas na kalahok sa 14th Cinemalaya Independent Film Festival.

Bulag ang isang mata at bida-kontrabida si Ai-Ai sa pelikula, na isa sa most challenging role na tinanggap niya.



Puring-puri ni Ai-Ai ang mga mahuhusay umarteng child stars na kasama niya sa School Service.

Higit sa lahat, malaking karangalan sa kanyang makatrabaho bilang artista at hindi direktor ang multi-awarded filmmaker na si Joel Lamangan.



Para sa kaalaman ng millennials, seasoned character actor si Joel bago nito ginamit ang talent niya sa paggawa ng mga pelikula.

Gumanap si Joel na military officer sa Orapronobis at direktor sa Bona, na award-winning movies ng pumanaw na direktor na si Lino Brocka.

Pari siya sa Himala, pulis sa Ano ang Kulay ng Mukha ng Diyos?, at gay employee sa Working Girls.

Napanood din si Joel sa international movie na The Year of Living Dangerously at sa mga action movie na pinagbidahan ni Phillip Salvador.

Dahil magaling na artista, may karapatan si Joel na pagalitan ang mga baguhang artista na bano sa pag-arte at hindi seryoso sa pinasok na propesyon.

Postcript: Bukod sa privilege na makatrabaho si Joel bilang arista, amused na amused si Ai-Ai dahil may mga news report na lumabas tungkol sa kanyang pet dog na si Sailor.

Hindi inakala ni Ai-Ai na magiging balita ang naputol na strap ng kanyang nag-iisang Chanel bag dahil nginatngat ito ni Sailor.

Ang kamag-anak ng isang Ex Battalion member na nagmamay-ari ng bag restoration shop ang nag-alok kay Ai-Ai na aayusin ang designer bag na sinira ng aso dahil nabasa niya ang news report tungkol sa ginawa ni Sailor.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN