Maligayang-maligaya si Jo Berry nang makita nito sa kanto ng EDSA at East Avenue ang giant billboard ng Onanay.
Para sa kanya, validation ito ng pagiging artista niya.

Introducing si Jo sa Onanay, na magsisimula sa August 6 at mapapanood sa prime time slot ng GMA-7.
Sa edad na 24, hindi pa nararanasan ni Jo na magkaroon ng boyfriend.
Pero kung mabibigyan ng pagkakataon, handa siyang makipagrelasyon at magmahal.
"Super blessed po [kung mangyayari], pero sa ngayon po, hindi ko naiisip yun.
"Ever since naman po, hindi ako namroblema sa ganoon.
"Kung may nakalaan naman para sa akin, at the right time, darating naman yun,” ang sabi ng 3-feet tall newcomer.
Paano kung kapwa niya "little person" ang magkagusto at manligaw sa kanya?
"As long as love na, kung love na, wala na tayong magagawa," ani Jo.
Ang nanay ni Jo na may normal height ang madalas na kasama niya sa taping ng Onanay.
Gaya ni Jo, overwhelmed, grateful, at thankful ang ina ni Jo dahil sa major break na ibinigay ng GMA sa anak niya.