Pinay Beauty, tribute kay FPJ at sa anak nitong si Lovi Poe?

Parang tribute kay Lovi Poe at sa kanyang ama, ang yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe, ang Pinay Beauty dahil anak ni Da King na Lovely ang pangalan at morena beauty ang karakter na ginampanan ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.


Ang Pinay Beauty ang official entry ng Quantum Films sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap mula August 15 hanggang August 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Lovely ang pangalan, artista rin ang role ni Maxine sa Pinay Beauty.

Binigyan ng R13 classification ng MTRCB ang Pinay Beauty dahil sa mga maseselang eksena, tulad ng aktuwal na pakikipaghalikan ni Hanna Ledesma sa kapwa babae at ang mga hitik sa sexual connotation na dialogue ng mga artista.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apparently, ang 2018 ang taon ng mga direktor na sinusubukan ang kakayahan nila sa pag-arte, hindi lamang sa paggawa ng mga pelikula.

May special participation sa Pinay Beauty sina Tikoy Aguiluz at Richard Somes.

Wala silang ipinagkaiba kay Joel Lamangan na artista rin at hindi direktor sa School Service, na official entry naman sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close