Comedian Alex Calleja, gustong ipaayos ang "cobra cut" na tuli sa kanya

Umiral ang kakulitan ng comedian na si Alex Calleja sa media conference ng Unli Life dahil sa kanyang prangkang sagot sa tanong tungkol sa panahong gusto niyang balikan.


“Ako, sa panahon na tinuli ako,” ang seryoso pero brutal na pahayag ni Alex, na hindi lamang co-star ni Vhong sa Unli Life dahil siya rin ang spiels writer ng comedian sa It’s Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento ni Alex na "cobra cut" ang tuli na ginawa sa kanya at hindi siya satisfied dahil pangit tingnan.

"Ipapaayos ko kasi hindi maganda ang pagkakagupit, may natira pa.

"Seryoso talaga, kakausapin ko yung doktor na ayusin, kasi alam niyo yung cobra cut? At the time, uso kasi yun.

"Seryoso talaga, tatanung-tanong kayo, gusto niyo na maging honest ako, di ba?” ang 'sermon' ni Alex sa entertainment writers at sa lahat ng mga nakikinig sa kanya na hindi napigilan ang mapahalakhak dahil sa mga sinabi niya.

"Nung panahon na nagpatuli ako, noong 1986, uso po yung cobra cut, yung may lambi sa ilalim.

"E, ngayon hindi na uso, medyo pangit tingnan.

"Kung puwede lang sana, ipapalinis ko… aayusin ko talaga.

"Sa Pasay ako [nagpatuli]… magkalapit kami ng bahay ni Vhong kasi may promo noon, in-avail ko yung promo.

"Mas mura, pero may lambi sa ilalim, hindi ko kasi ma-demo.

"Naku, kung makikita ninyo, hindi siya masyadong maganda," ang walang kamali-malisyang pagtatapat ni Alex tungkol sa dilemma niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Unli Life ang isa sa dalawang pelikula ni Alex na mapapanood sa mga sinehan ngayong Agosto.

Kasali rin siya sa BuyBust, ang action movie na ipinagmamalaki niya dahil mahaba ang exposure na ibinigay sa kanya ng direktor na si Erik Matti.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close