Robin Padilla, malaki ang posibilidad na maging ambassador ng 'Build, Build, Build' program

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2018

Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na malaki ang posibilidad na maging ambassador ng 'Build, Build, Build' program ng Duterte administration ang action superstar na si Robin Padilla.

Si Robin daw kasi mismo ang nagprisinta.


Sinabi ni Villar na bilang ambassador ng 'Build, Build, Build' program ng pamahalaan, malaki ang maitutulong ni Robin sa rehabilitation ng Marawi, na winasak ng limang buwang giyera na nangyari noong 2017.

Nagbigay rin ng update si Villar tungkol sa rehabilitation program ng Duterte government sa Boracay Island, na tiniyak niyang muling bubuksan sa publiko sa October 26.

Binisita ni Villar ang Boracay noong nakaraang linggo at, ayon sa kanya, bumalik na ang natural na kagandahan ng isla na ikinatuwa ng mga residente na tutol na tutol noon sa pansamantalang pagpapasara ng gobyerno sa isla.

"In fairness sa kanila, nang makita nila na pumasok na kami sa Boracay, ang lahat ng mga heavy equipment, sila na mismo ang gumiba sa [illegally constructed] properties nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang gusto lang nila, fair. Kung sila gigibain, dapat lahat, no exemption," sabi ni Villar.

Just recently, naging isyu ang selfie photo ni Alice Dixson sa Boracay dahil sarado pa ito sa mga turista.

Inulit ni Villar ang paliwanag na walang nilabag na batas ang aktres dahil asawa ito ng isang top executive ng isang resort sa Boracay at may proper documentation ang pagpunta at pananatili niya sa isla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results