CJ Ramos, iniharap sa media nang walang patnubay ng legal counsel

by Jojo Gabinete
Aug 3, 2018

Noong Martes, July 31, dinakip sa isang buy-bust operation ang former child actor na si Cromell John Ramos aka CJ Ramos, pero kagabi lamang, August 2,  pumutok ang balita tungkol sa pag-aresto sa kanya

Dinala ngayon si CJ sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at dito siya iniharap sa mga miyembro ng media na nagkaroon lang ng interes sa kaso nang malaman nila na dating child actor ang akusado.


Inamin ni CJ ang paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot, humingi ng kapatawaran sa kanyang mga magulang, at nangakong magbabagong-buhay kapag nabigyan ng pagkakataon.

Mapapansing walang legal counsel na kasama si CJ nang payagan ng police authorities ang media na interbyuhin siya, kaya lalong nagmukhang helpless ang 31-year-old former actor.

Ang insidenteng ito ay nagpaalaala sa Cabinet Files ng scenario nang arestuhin si Mark Anthony Fernandez ng Angeles City Police noong October 2016 dahil sa pag-iingat ng marijuana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Isang malapit kay Mark ang nagsabi na, diumano, ang ginawa ng Angeles City Police na pagpapainterbyu sa aktor na wala ang legal counsel niya ang ginamit na depensa ng kanyang kampo para makalaya siya matapos ang mahigit isang taong pagkakakulong sa provincial jail ng Pampanga.

Noong December 2017, inilunsad ng Philippine National Police Human Rights Affairs Office ang Know Your Rights mobile application para sa kapakanan ng mga pulis at civilian na nakakalimot o hindi sapat ang kaalaman tungkol sa mga karapatan na pantao o human rights.

Nakasaad sa Philippine version ng Miranda Doctrine na may karapatan ang isang akusado na piliin nitong manahimik dahil puwedeng gamitin laban sa kanya ang mga sasabihin niya.

"A person in custody must be informed at the outset in clear and unequivocal terms that he has the right to remain silent; and that anything he says can and will be used against him in a court of law;

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"He has the right to an attorney and if he can’t secure one, a lawyer shall be appointed to represent him. His right to counsel is available at any stage of the interrogation even if he initially consents to giving any information without the assistance of counsel."

Naging biktima noon si Mark ng "trial by publicity" dahil sa mga pahayag niya sa media na lalong nagdiin sa kanya sa kaso na ibinibintang laban sa kanya.

Nagsalita rin si Mark na walang kasama na legal counsel.

Muli itong nangyari ngayon kay CJ Ramos, na kawawang-kawawa ang kalagayan dahil pinagpistahan siya ng mga miyembro ng media.

Labag man sa kalooban pero walang nagawa dahil hindi alam ang kanyang mga karapatan, napilitan si CJ na sagutin ang lahat ng mga personal na tanong na walang patnubay ng legal counsel niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results