Iikutin niya ang buong Araneta Coliseum, ang pasabog ni Anne Curtis sa AnneKulit, ang kanyang 21st anniversary concert sa Big Dome sa August 18, 2018.
Nagsalita nang tapos si Anne na huling concert na nito ang AnneKulit dahil gusto niya na mag-concentrate sa kanyang acting career at bilang co-host ng It’s Showtime.
“Last na ’to because I'd rather concentrate more on acting and hosting. Igi-give up ko na ang singing career, last na ’to.
“Parang ang feeling ko, last na yun, na-enjoy ko naman siya nang bonggang-bongga. Hindi naman kailangan na sobrang galing. Basta you put your heart into it, so mas nagka-confidence raw ang mga tao na mag-videoke na parang, 'Huy, Anne Curtis ako, ‘no!'
“I’m happy that I was able to somehow help other people and their confidence in singing out loud pero after nito, okey na yon,” ang pahayag ni Anne tungkol sa nalalapit na pamamaalam sa kanyang singing career.
Sinabi ni Anne na kung nakaya nito ang mabibigat at mahihirap na eksena sa BuyBust, tiyak na makakaya rin niya ang mga hamon ng AnneKapal.
“Galing lang ako sa voice lessons kanina with Miss Kitchie Molina. Sabi niya, ang laki raw ng improvement ko from 2012.
“I know for a fact na this concert will be visually pleasing to the eye, entertaining to the eye, yung costumes ko pa nga yata mas mahal pa sa concert mismo. I have designers na gumagawa ng outfits for Ariana Grande, Cardi B… It has always been na parang fashion show ang aking mga concert,” ang excited na kuwento ni Anne tungkol sa AnneKapal.