Mariel de Leon, panggulat ang sexy pictorial sa FHM

Daring but tastefully done ang sexy pictorial ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon para sa digital edition ng FHM.


Nanibago at pagkagulat ang reaksiyon ng karamihan sa black-and-white photos ni Mariel para sa FHM dahil conservative ang image ng former beauty queen daughter nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nang matanggap ni Mariel ang alok ng FHM staff, nagpaalam siya sa kanyang mga magulang at isa lang ang kundisyon na sinabi ng nanay niya: "Basta kailangan, bongga ang kalalabasan."

Ayon kay Sandy, malaki ang tiwala nila ni Christopher kay Mariel at sa manager nitong si Leo Dominguez.

"Nagsabi naman siya sa amin bago pa mag-pictorial.

"Though we did not have to, we told her anyway make sure it’s not too exposed.

"That it can be sexy but classy nga. Hindi bastos tingnan.

"Plus we trust Leo, her manager, and Mariel as well.

"Alam din naman niya ang limitations ni Mariel," pahayag ni Sandy sa Cabinet Files.

True enough, malakas ang gulat factor ng sexy pictorial ni Mariel, kahit bihis na bihis siya at gilid lamang ng dibdib niya ang makikita.

Postscript: Sinabi ng manager ni Mariel na si Leo Dominguez na nagtiwala sina Christopher at Sandy sa anak nila nang gawin nito ang FHM pictorial.

Kinumpirma ni Leo na bida si Mariel sa movie for television remake ng Patayin Mo sa Sindak si Barbara ng ABS-CBN at sa Rule of Third ng Regal Entertainment, Inc.

Trivia: Si Celso Ad. Castillo ang direktor ng original Patayin Mo sa Sindak si Barbara na pinagbidahan nina Susan Roces, Rosanna Ortiz, at Dante Rivero noong 1974.

Ang anak ni Celso, ang former actor na si Chris Castillo, ang direktor ng movie for television version ng Patayin Mo sa Sindak si Barbara na tinatampukan nina Mariel, Nathalie Hart, at JC de Vera.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN