Ayra Mariano, 15 minutong umiyak dahil sa totoong sampal ni Gladys Reyes

Panahon ngayon ng mga kontrabida dahil sila ang nangingibabaw sa mga eksena ng mga television drama series.

Pinupuri ang natural acting ability ng newcomer na si Jo Berry sa pilot episode ng Onanay kagabi, August 6.

Pero ang effortless acting at ang unique sense of style ni Cherie Gil ang pinag-uusapan ng viewers ng bagong prime time television series ng GMA-7.


On the other hand, ang tour de force performance at ang mga malulutong na linya ni Gladys Reyes ang napapansin ng televiewers na madalas na ginagamit sa television plug ng Inday Will Always Love You.

Binibigyan si Gladys ng kalayaang mag-adlib tulad ng memorable dialogue niya sa controversial confrontation scene nila ni Ayra Mariano:

"Produkto ka lang ng imahinasyon ko, karakter ka lang sa script na isinulat ko kaya kapag pasaway ka, tatanggalin kita sa eksena.

"Subukan mong kalabanin ako, di lang ito matitikman mo! Amateur! You forgot I’m a pro!” sabay sampal niya kay Ayra, na nasalag ang kamay ni Gladys pero ang kabilang kamay naman ang ginamit nito kaya tinamaan ang young actress.


Hindi na napanood ng televiewers ang mga sumunod na pangyayari sa likod ng mga television camera.

Labinlimang minutong humagulgol sa pag-iyak si Ayra, na hindi mapatahan dahil nasaktan at naapektuhan kahit alam niya ang instruction na tototohanin ang pagsampal ni Gladys sa kanya.

Paulit-ulit na humingi si Gladys ng paumanhin, na tinanggap naman ni Ayra nang mahimasmasan ito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN